Just like I expected, hindi naalala ni Monique ang nangyari. Ganto siya pagnasobrahan ng inom, hindi niya natatandaan ang mga sinasabi o ginagawa niya. At wala na rin akong balak na sabihin pa sa kaniya kung anong mga sinabi niya sakin dahil ayokong mailang siya. I treasure Monique. She will always be a friend to me. Pagkatapos no’n, balik ulit kami sa dati. Nagkunwari rin akong parang wala lang nangyari. Pagkatapos ng trabaho, didiritso ako agad kay Merida para sunduin siya. Ngunit sa pagkakataong ito, may nangyayaring kakaiba. Sumapit nalang ang alas sais ng gabi ay wala pa siya. Nag-alala na ako kaya lumabas ako ng sasakyan para pumunta ng gate ng school na pinapasukan niya. Nakita ko ang ilan sa mga kaklase niyang lumalabas, pero walang Merida. “Hi. Hindi ba kaklase ka ni Merida Candera?” tanong ko. “Opo kuya..” “Absent ba siya?” “Hindi ko po alam e. Kanina, narinig ko sa teacher namin na magda-drop out si Mer.” Nagulat ako sa naging pahayag ng kaklase niya. Agad kong kinuh
Terakhir Diperbarui : 2025-08-04 Baca selengkapnya