Nakahilera ang mga maid sa harapan ko at alam kong lahat sila nagtataka bakit ko sila biglang pinatawag. Gusto kong malaman kung anong nangyari kanina.“Bakit umiiyak si tita at bakit may hawak siyang patalim?”Nagkatinginan sila, parang ayaw nilang magsalita.“Wala bang sasagot sa inyo?”“Ma’am, wala po kaming alam.”“Sinong nandoon sa itaas at nakita ang pangyayari?”“Kami ma’am,” may dalawang maid na nagtaas ng kamay. “Pero maniwala po kayo ma’am Merida, wala pong ginawa si ma’am Lovely. Pinakain lang po niya si ma’am Fe tapos bigla nalang ito naging agresibo.”Nalukot ang mukha ko. “Hindi ko tinatanong kong may ginawa si Lovely pero sa sinabi mo, parang meron at naging defensive ka bigla. Bakit? Anong ginawa ni Lovely kay tita Fe?”Agad silang lumuhod kaya mas lalong tumaas ang pagsususpetya ko sa kanila.“Wala po talaga ma’am. Maniwala po kayo.”“Kung ayaw niyo kong sagutin, isa-isa kayong mawawalan ng trabaho.”Sabay-sabay silang nag-angat ng tingin sakin.“Pero ma’am, bakit niyo
Terakhir Diperbarui : 2025-08-10 Baca selengkapnya