Proceed pa rin kami sa second wedding namin which is gaganapin sa resort na pagmamay-ari ni Peres. At magaganap yun sa mga susunod na araw na.Pero bago yun, pagkatapos ng mismong kasal namin sa judge, hindi kami dumiretso ni Aidan sa condo. Sumakay kami agad ng plane para maghoneymoon sa Singapore. Pinasyal niya ako sa Gardens by the Bay at sinulit namin ang bakasyon namin na magkasama.At night, aktibo rin kami sa kama lalo na’t legal na kaming kasal dalawa. Ang ganda at saya sa pakiramdam na matatawag ko na ang sarili kong asawa niya.Ito ang hindi ko naranasan noon kay Evos, ang magkaroon ng isang normal na pamumuhay.. Abot na abot ko na ang pangarap kong yun sa piling ni Aidan, ang lalaking pinakamamahal ko.“I can’t wait to see our baby,” bulong niya sa akin at pinaglalaruan niya ang tiyan ko. Nasa likuran ko siya at bina-backhug ako.“She’ll gonna be my baby Roquez.” Dagdag niya.Napangiti ako at hinawakan rin ang kamay niya. Tama siya, ang baby namin ay lehitimong anak niya.Da
Terakhir Diperbarui : 2025-08-01 Baca selengkapnya