[After 8 months]“Ate Vivi, ate Vivi!” naririnig ko ang pagtawag ni Kulot, ang anak ng komprador ng aming panananim.“Ate Vivi, sabi po ni kuya Evos ay kumain na raw po kayo.”Bumaling ako sa kaniya at ngumiti.“Sige. Pero sandali lang kasi ililigpit ko lang tong gamit ko.”“Sige po ate. Pero ano po ba ang ginagawa niyo?”“Nagtatahi ako ng damit para sa baby.”“Malapit na po siyang lumabas?”Tumango ako at nilagay ang telang pinagta-tiyagaan kong taihin sa drawer.“Boy po ba siya ate? Or girl?”“Girl siya, Kulot.” Sagot ko. “Nasaan pala ang kuya Evos mo?”“Nasa kubo po. Kasama niya po si papa at yung iba mga kargador.”Tinignan ko muna ang sarili ko sa salamin. Inayos ko ang garterized na suot kong damit. Malaki na ang tiyan ko at isang buwan na lang ay manganganak na ako.Hanggang ngayon, hindi pa rin ako tuluyang makapaniwala.Maraming nagbago, maraming nangyari na ikinagulat ko ng husto.Sa walong buwan na narito kami sa malayong lugar na ito, naging payapa ang lahat. May nahanap ka
Last Updated : 2025-12-10 Read more