Pagkapasok ko sa loob ng kwarto, kaagad kong naidako ang aking mga mata kay Vaughn. Mahimbing pa rin ang tulog ng damuho kahit mataas na ang sikat ng araw sa labas, tila ba walang ginawang eksena kagabi.Naibaling ko ang tingin sa pinto nang may kumatok.“Ma'am Mira, si Aida po ito,” aniya mula sa labas kaya agad ko siyang pinagbuksan.“Ma'am, nahanap na po namin ang cellphone at wedding ring ninyo,” nakangiting bungad niya habang iniaabot sa akin ang phone at wedding ring na nawala ko kagabi.“Thank you, Aida,” nakangiting pasalamat ko habang tinatanggap ang aking mga gamit.“Walang anuman po, Ma'am. Oo nga pala, sa basurahan po namin iyon nakita ni Ronan. Mabuti na lang at hindi nasira ang phone ninyo o ninakaw ang singsing. Mukhang hindi pagnanakaw ang intensyon ng kumuha ng mga gamit ninyo,” pahayag niya na may halong pagtataka.“Mukhang ganoon na nga,” sagot ko na lang upang hindi na humaba pa ang usapan.“Sige po, aalis na po ako. Pasensya na po sa istorbo,” paalam niya bago tul
Baca selengkapnya