PINAPANOOD na lang ni Jav ang hardware niya na dinidemolish. Masakit man sa kanya, pero wala siyang magawa. "Boss, paano na tayo niyan? Magtatayo ka pa ba ng new hardware?" tanong ni Anton, malungkot din sa nakikitang demolition. Humugot ng malalim na hininga si Jav. "Ewan ko, Anton. Ang hirap mag-decide. Wala na tayong lupa, wala na ring kapital. Parang end of the line na tayo." "Pero, Boss, sayang naman. Dito na tayo kumikita, dito na rin tayo nakilala ng mga tao," sagot ni Anton, ramdam ang kaba at lungkot sa boses niya. Tahimik lang si Jav, pinagmamasdan ang pagbagsak ng huling pader. Para bang kasabay no’n, bumagsak din ang lahat ng pinaghirapan niya. Nahihiya siya kay Elorda. Ang akala niya ay kaya niya, hindi rin pala. Ngayon na bumagsak ang kanyang maliit na negosyo 'di na niya alam kung ano pa ang kanyang gagawin. "Sasabihan na lang kita, Anton. Kung magpapatayo pa ko ng panibagong hardware." Napatitig si Anton sa amo. Kita niya ang bigat ng isip nito, pati ang
Last Updated : 2025-10-02 Read more