Sa loob ng marangyang conference room, nakatayo si Shawn sa kanyang hand-tailored na itim na suit sa guwapo, marangal, at may awtoridad na dating. Pinangungunahan niya ang mga senior executives ng Velasco Group sa isang mataas na antas na meeting kasama si David Smith, ang CEO ng Smith Corporation sa Spain.“Madam, ang aming CEO po ay bihasa sa wikang Espanyol. Sa katunayan, marunong siya ng mahigit dalawampung banyagang wika. Hindi niya kailanman kailangan ng translator,” mahinahong bulong ng receptionist nang may pagmamalaki habang iniabot kay Maxine ang isang tasa ng kape.Nag-alok si Maxine ng isang magalang na ngiti, at sinabi, “Salamat.”“Walang anuman, Madam. Babalik na po ako trabaho ko.”“Sige,” sagot ni Maxine rito.Matapos umalis ang receptionist, muling tumutok ang maliwanag na mga mata ni Maxine sa lalaki sa loob ng silid na may salamin na pader.Samantala, nakatayo naman si Shawn sa tabi ni David, nakikipag-usap sa maayos at eleganteng wikang Espanyol. Ang atmospera
Read more