Pagkatapos ng diborsyo, hindi na muling nagkaroon ng ugnayan sina Shawn at Maxine. Ito ang unang pagkakataon na nakarinig siyang muli ng balita tungkol sa kanya. Si Maxine ay malubhang nagkasakit.Samantala, ngumiti naman si Monica, bahagyang tumiklop ang kanyang mapulang labi habang kumikislap ang mga mata sa halong pagmamataas, huwad na awa, at pang-aalipusta.“Hindi ko akalaing gano’n pala kalalim ang pagmamahal ni Maxine sa ’yo, Shawn.”Maging si Amanda ay ngumisi rin.“Sa kalagayan ni Maxine, hinding-hindi na siya makakahanap ng lalaking katulad ni Mr. Velasco. Sa totoo lang, kung iisipin, nakakaawa rin siya,” ani Amanda.Bahagyang inilingon niMonica ang ulo niya kay Shawn, ang tono niya ay mapaglaro nang magsalita.“Shawn, may sakit ngayon si Maxine. Bilang dati mong asawa, hindi mo ba siya tatawagan kahit sandali lang para kamustahin?” sambit nito sa lalaki.Ngunit hindi nagbago ang ekspresyon ni Shawn. Ang matalim at maamong anyo niya ay nanatiling kalma at malamig, tag
Read more