LOGINAgad na nawala ang ngiti sa labi ni Imelda nang sabihin iyon ni Maxine. Nagngitngit siya at hindi mapigilang mapabulalas.“Ikaw—”Ngunit agad naman na lumapit si Jessica at malamig na nagsalita.“Mrs. Soriano, sa kakayahan ni Maxine, hindi niya kailangang kumapit sa kahit kanino. Ang pamilya Aguilar ay isa lang maliit na dagdag sa kanya. Kumbaga parang icing sa cake lamang.”At dahil diyan, lalong dumilim ang mukha ni Imelda.“Mula ngayon, si Maxine ay anak na namin. Kung may maglalakas-loob na manggulo o bastusin siya, agad ko siyang palalayasin,” malamig na saad ni Roberto.Walang bakas ng pag-aalinlangan ang kanyang boses. Ang mga salita ay tuwirang parang patalim na tumama kay Imelda.Mahigpit na kinuyom ni Imelda ang kanyang mga kamao. Dahan-dahan niyang sinulyapan si Monica sa kanyang tabi.Agad namang lumapit si Monica at saka muling binuksan ang bibig.“Dad, Mom, dapat magdesisyon na kayo ngayon.”“Ano'ng desisyon?” tanong ni Maxine.Ngumiti si Monica, puno ng kumpiy
Samantala, nagkunwari naman na nagbigay ng payo si Imelda.“Roberto, si Maxine ay isa lamang na tapik, habang si Monica ang nag-iisa mong tunay na anak. Dapat pag-isipan mo ito nang mabuti. Huwag mong saktan ang damdamin ni Monica dahil lang sa isang tagalabas at baka sa huli, mawala pa sa ’yo ang sarili mong anak!”Mariin namang sumabat si Jessica, ang tinig niya ay puno ng pagpipigil ngunit may talim.“Miss Aguilar, hindi ka kailanman nagsisisi sa mga pagkakamali mo. Sa halip, itinutulak mo ang iba sa sulok. May mas malupit pa ba sa mga ginagawa mo?”Ngumiti nang malamig si Monica, tila walang bahid ng pagsisisi sa kanyang mga nagawang mali.“Kahit ano pa ang ginawa ko, ako pa rin ang totoong anak ng pamilya Aguilar. Ipinanganak ako sa ganitong estado. Ano ngayon?”Sandaling natigilan si Jessica, halatang hindi makapaniwala sa narinig.“Ikaw—”Ngunit bago pa siya makapagsalita nang tuluyan, umiling si Margaret.“Jessica, hayaan mo na.”Napilitan si Jessica na tumahimik, ngu
Lumapit sina Roberto at Margaret. Bilang mga magulang, bakas sa kanilang mga mata ang bigat ng damdamin. Isang halong pagkadismaya at pagkalito kay Monica na tila hindi na nila maabot ang dating inaasahan nila rito.“Monica,” mahinang tawag nila.Ngunit sa halip na lambing, matalim na tingin ang isinagot ni Monica sa kanila.“Huwag n’yo akong tawaging ganyan!”Pagkasambit niya no'n, agad na bumigat ang hangin sa paligid. Parang lahat ng ingay sa bulwagan ay biglang sinakal ng tensyon.Lumapit si Jessica, mahinahon ngunit may diin ang boses nang magsalita.“Miss Aguilar, masayang okasyon ito. Mas mabuti kung kontrolin mo ang emosyon mo.”Ngumisi naman si Monica nang malamig at puno ng pang-aalipusta.“Masayang okasyon?” ulit niya. “Dahil inaampon n’yo si Maxine bilang anak? Dahil may panibagong taong hahati sa pagmamahal n’yo?”Isa-isa niyang tiningnan sina Roberto at Margaret, puno ng hinanakit at galit ang kanyang mga mata.“Itinuring ba ninyo akong anak? Kung aampunin n’yo
Si Maxine ay tahimik na nakaupo sa dressing room habang inaasikaso ng makeup artist ang kanyang mukha. Sa ilalim ng malambot na ilaw, lalo lamang lumitaw ang kanyang balat. Napakapino, makinis, at tila babasagin sa sobrang ganda. Para siyang obra maestrang kahit anong ayos ay natural na bumabagay.Sandaling bumukas ang pinto. Pumasok si Cassandra, kasunod si Akisha.Agad na nagliwanag ang mukha ng bata at tumakbo papunta kay Maxine.“Mommy! Ang ganda-ganda ni mommy ngayon, pero syempre, maganda si mommy araw-araw!”Humagikgik si Akisha habang mahigpit na yumakap sa kanya, puno ng inosenteng paghanga.Hindi napigilan ni Maxine ang sarili at mabilis na hinalikan ang pisngi ng bata.“Miss na miss ka ni mommy, Akisha.”Lumapit naman si Cassandra, may banayad na ngiti sa labi at nagsalita.“Maxine, congratulations.”Ngumiti si Maxine, bahagyang may pagod pa rin sa mga nakaraang araw.“Cassandra, naging sobrang busy ako nitong mga nakaraang araw. Ikaw ang nag-alaga kay Akisha. Sala
“What?”Sabay-sabay na natigilan ang tatlong taong nasa labas ng pinto na sina Shawn, Roberto, at Margaret. Para bang sa iisang iglap, naputol ang daloy ng kanilang paghinga, at nanatiling nakapako ang kanilang mga mata sa kung anuman ang kanilang narinig.Samantala, umuwi naman sina Monica at Imelda na tila walang nangyari. Kahit nabunyag na ang paggamit ni Imelda ng Kalanchoe Diagremontiana, hindi pa rin sila natalo at hindi pa rin sila sumusuko.Masiglang nagsalita si Monica habang nakaupo sa sala, tila ba walang anumang bahid ng pag-aalala sa kanyang mukha.“Tita Imelda, sa tingin mo ba talaga pakakasalan ako ni Shawn?”Mahinahong humigop ng kape si Imelda, kalmado at walang bakas ng pag-aalinlangan sa kanyang mukha.“Siyempre naman kaya simulan mo na ang paghahanda bilang isang girlfriend. Ang Vinculum sa katawan ni Shawn ay ako lamang ang may kakayahang mag-alis niyan.”Agad na kumapit si Monica sa kanyang braso, puno ng paghanga at paglalambing.“Tita Imelda, ikaw talaga
Ngumiti nang bahagya si Maxine bago sumagot.“Hindi ako umalis.”Sa kabilang panig ng pinto, tila nakahinga nang bahagya si Shawn, ngunit nanatili pa rin ang kaba sa kanyang boses.“Kung gano'n, aalis ka ba? Ngayon hindi kita nakikita, nag-aalala ako na baka isama mo si Akisha at iwan mo ako.”Natigilan si Maxine. Sandaling nanahimik ang paligid, na para bang pati hangin ay nakikiramdam sa bigat ng kanilang usapan.Mahinang nagsalita si Shawn, ngunit bawat salita ay punong-puno ng damdamin. “Alam ko na gusto mong lumayo sa akin ngayon. Ayaw mong maramdaman ko ang sakit ng Vinculum. Pero, Maxine…” bahagya siyang huminto, tila pinipigilan ang sarili. “Kung ikukumpara ko ang sakit na iyon, mas natatakot ako na mawala ka at si Akisha.”Napapikit si Maxine, at marahang ipinatong ang kanyang palad sa pinto, na para bang sa ganitong paraan ay mararamdaman niya ang presensya nito.“Ilang beses na kitang nawala…” dugtong pa ni Shawn sa paos na tinig. “Tatlong taon na ang lumipas. Ayoko
Nagtipon-tipon ang lahat sa paligid nina Marivic at Nora, puno ng paghanga at papuri sa kung paano nila naisilang ang isang napakahusay na anak tulad ni Maxine.Ang party ngayong gabi ay dinaluhan ng mga elite mula sa iba’t-ibang larangan, eksakto sa matagal nang pangarap ni Marivic. Palagi siyang
'Damn!'Biglang huminga nang malakas si Monica, halos hindi makapaniwala sa kanyang narinig. Sa harap ng napakaraming tao, si Shawn mismo ang nagpabagsak sa kanya at pinilit siyang lumuhod sa harap ni Maxine.Napaatras siya ng dalawang hakbang at muntik nang matumba, ngunit agad siyang inalalayan
Umupo si Maxine sa gilid ng kama, tuwid ang likod ngunit halatang may bigat ang kanyang dibdib.“Brother, ayos lang ako,” mahinahon niyang sabi. “Maayos lang kaming dalawa ng baby.”Hinding-hindi niya hahayaang may mangyari sa kanyang anak. Sa buong pagbubuntis niya, iisa lamang ang pagkakataon na
Nang marinig ang sinabi ni Maxine kay Shawn, agad na lumapit si Monica at halatang balisa.“Hindi iyon ang ibig kong sabihin…”Dahan-dahang tumingin si Maxine sa kanya, ang mga mata ay malamig, ngunit nanatiling malinaw.“Kung gano’n,” ani Maxine. “Ano ang ibig mong sabihin? Gusto mo bang gamutin







