‘Blind date set-up?’ Biglang lumamig ang aura ni Shawn. Itinaas niya ang kamay at isa-isang tinanggal ang mga butones ng polong suot. ‘Dito pa talaga nila pinag-uusapan sa bahay namin. Ha. Ibang klase talaga ang babaeng ito.’ Ping! Ping! Ping!Sunod-sunod na dumating ang mga mensahe ni Althea sa messenger, pati rin ang mga voice messages ay patuloy ang pagdating.Nag-play ang isang voice message. “Max! Tingnan mo ang lalaking ito. May six pack abs, isang certified gym rat. Gusto mo ba siya? Ito ‘yong tipo ng mga lalaki na pwede kang mahiga sa abs niya na parang unan balang araw. Pogi din at galing sa isang mayamang angkan.”May kasunod pa, “Ito naman, mukhang masunurin at mahiyain, pero parang masaya kasama, in fairness.”“Ito naman, may suot na glasses. Branded ha. Isang business elite, aloof at cold—ito ‘yong mga tipo ng lalaking masarap pakantahin ng kanta ni Bruno Mars, ‘yong paborito mo. Maxine, ito ang mga kandidato mo para sa dream harem mo. Piliin mo na kung sino ang gusto
Baca selengkapnya