로그인Ngumiti si Jessica, at ang kanyang pulang mga labi ay gumuhit sa isang magaan at mahinahong ngiti. “Tita, natatakot akong istorbohin ka, kaya palagi akong nakikipagkita kay Raven sa paaralan,” wika niya nang may kaunting hiya.Napangiti si Mrs. Alfonso nang mahina, at ang kanyang mga mata ay nagbigay nang mainit na tingin. Sa sandaling iyon, dumating si Doctor Manalo, at tahimik na lumabas si Jessica.Sa opisina ng direktor, iniabot ni Doctor Manalo ang resulta ng pagsusuri kay Jessica. “Miss Castro, dumating na ang result ng pagsusuri ng pasyente.”“Ano ang mga resulta?” tanong ni Jessica, may pag-aalala sa kanyang mga mata.Umiling nang mabigat si Doctor Manalo at sinabi, “The patient is in the late stage of cancer.”Biglang nanlumo si Jessica sa pagkabigla dahil sa kanyang narinig.“Late stage of cancer? Sigurado ka ba? Palaging malusog si Mrs. Alfonso.”“Walang pagkakamali,” tugon ni Doctor Manalo nang may mabigat na tinig. “Marahil ay nagkaroon na ng cancer ang pasyente
Gustong habulin ni Jessica si Raven, ngunit agad siyang hinawakan ni Adrian.“Bakit mo siya hinahabol? Hindi ka pwedeng pumunta,” mariing wika nito sa kanya.Subalit, iwinaksi ni Jessica ang kanyang kamay at mariin na sinabi, “Kahit ang dagat ay hindi ako pinapamahalaan gaya mo!”Mabilis siyang tumakbo upang abutin si Raven, habang kumuyom sa galit ang mga kamao ni Adrian.****Sinundan ni Jessica si Raven sa isang maliit na ospital. Nakahiga ang ina ni Raven sa puting kama, hindi pa rin nagigising.Nakatayo naman malapit si Thalia, luha ang bumabalot sa kanyang maputlang mukha, habang sinisikap siyang aliwin ng isang kapitbahay na tita.Agad na dumiretso si Raven sa kapatid.“Thalia!”“Kuya!” ani Thalia, ang payat na katawan niya ay bumagsak sa mga bisig ni Raven, umiiyak nang walang tigil. “Kuya, dali! Puntahan natin si lama! Kahit ano'ng tawag namin sa kanya, hindi siya nagigising.”Mabilis naman na pinakalma ni Raven si Thalia, pagkatapos ay lumingon sa kanyang ina sa k
Dali-dali namang nagpunga si Jessica patungo sa tabi ni Raven, sinusubukang pigilan ang mapanganib na larong iyon. “Raven, huwag mo na gawin ‘to para kay Adrian! Delikado ito sa katawan mo. Kung talagang kailangan mo ng pera, pwede kong—”Tumingin si Raven kay Jessica, at agad naman siyang nanahimik. Hindi niya ito sinasadya sa paraan na para bang gusto niyang pagsabihan siya. Ang gusto niya ay pigilan lamang si Raven na saktan ang sarili niya.Tumingin si Raven sa foreman at sinabi, “Magsimula na tayo.”Sinimulan ng foreman ang paglalagay ng isa-isang sako ng semento sa mga balikat ni Raven. Mabilis itong umabot sa walong sako. Pagkatapos, idinagdag niya ang ikasiyam at ikasampu.Pinanood naman ni Adrian na may kasabikan ang nangyayari, habang napapalakpak ang mga kamay. “Oh! Hindi ko akalain na magsusumikap ka nang ganito para sa pera. Walang libo, siyam na libo...”Ibinato ni Adrian sa lupa ang siyam na libo sa lupa.Idinagdag naman ng foreman ang ikalabing-isa at ikalabin
Napakuyom ang mga kamao ni Adrian habang nakatitig kay Jessica nang mataman.“Jessica, nilagyam ka ba ni Raven ng gayuma o ano?” sambit ni Adrian.“Wala ‘yang kinalaman sa ’yo!” sagot niya, puno ng galit at pagtatanggol sa sarili.Inilagay ni Adrian ang mga kamay sa kanyang baywang at tumawa, ngunit halatang may matinding galit. “Sige, kung gano'n, wala rin akong pakialam sa ’yo. Hahanapin ko na lang si Raven ngayon.”Hindi naghintay ng sagot, tumalikod siya at humakbang patungo kay Raven.Agad na nagbago ang ekspresyon ni Jessica. Inabot niya ang braso niya, pilit na pigilan si Adrian. “Ano ang ginagawa mo? Workplace ito ng ibang tao! Ano ang karapatan mo na istorbohin sila?” inis niyang sambit.Sa sandaling iyon, biglang humakbang ang foreman ng construction site, humihingal sa pagod. Paulit-ulit siyang yumuko kay Adrian.“Sir Adrian, bakit po kayo narito? Mag-ingat po kayo na hindi madumihan ang inyong damit. Nagpunta po ba kayo para inspeksyunin ang construction ngayon?”
Nang marinig ang sinabi niya, tumigil si Jessica sa paglaban at masunuring sumakay sa pasaherong upuan ng sports car.Bumalik si Adrian sa upuan ng driver, madilim ang mukha. “Jessica, talaga bang interesado ka kay Raven?” seryosong tanong ng lalaki sa kanya. Sa simula, tumanggi siya na sumakay sa kotse ni Adrian, ngunit ngayon, ginawa niya ito para kay Raven.Tumingala si Jessica sa kanya, may bahagyang pangungutya sa tingin nang magsalita.“Adrian, hindi mo ba napapansin na kakaiba ang itsura mo ngayon?” tanong niya sa lalaki.Sandaling natigilan si Adrian sa kanyang narinig.“Pinayagan na kita kay Crizza. Ngayon, siya na ang girlfriend mo. Malaki ang dibdib niya, payat ang baywang, nag-aaral na maging isang sikat na celebrity. Ganitong type ang gusto mo, ‘di ba? Dapat kasama mo siya. So, bakit nakatali ka pa rin sa 'kin?” dagdag na sambit ni Jessica.Mahigpit na hinawakan ni Adrian ang manibela at sinabi, “Ako…”“Adrian, huwag mong sabihin na nahulog ka na sa 'kin,” patul
Tumalikod si Jessica at nagsimulang lumayo. Mabigat ang bawat hakbang, tila gusto niyang talikuran ang lahat ng ingay at panghuhusga sa paligid.Napabulong si Crizza sa sarili, mahina at halos hindi marinig ang kanyang sinabi.Bago pa man makalayo si Jessica, humarang si Adrian sa kanyang daraanan. Matalim ang tingin nito, puno ng pagdududa at hindi makapaniwalang galit.“Jessica,” mariin ang tono niya. “Talaga bang nahulog ka na kay Raven?”Tumango ang dalaga. Simple, diretso, at walang pag-aalinlangan. “Oo.”Nanigas ang panga ni Adrian. Hindi pa rin makapaniwala, napailing siya, parang inuusig ng katotohanang ayaw niyang tanggapin.“Imposible,” mariin niyang tugon. “Paano mo nagustuhan ang lalaking 'yon? Ginagawa mo lang ‘to para galitin ako, ‘di ba? Jessica, hindi ko akalaing gagawa ka ng maliliit na laro ng isip para lang makuha ang atensyon ko.”Mabilis na umakyat ang inis sa dibdib ni Jessica. Napatingala siya sa lalaki at diretso itong tinitigan sa kanyang malamig, mata







