Share

Kabanata 23

Author: Glazed Snow
Awtomatikong kumunot ang kilay ni Shawn. Talaga namang nakalimutan niya. Napakarami kasing nangyari simula kagabi kaya nawala talaga sa isipan niya. Nakapangako nga pala siya. Bumalik na pala si Lucas sa bansa.

Ang mga pamilya nila ay kabilang sa mga nangungunang mayaman na angkan sa Metro Manila na may matagal nang malapit na ugnayan. Natural lang na lumaki sina Shawn at Lucas na magkababata at matalik na magkaibigan. Lumaki silang halos magkasabay na natutunan ang kalakaran ng mundo nila.

Ngayong nasa bansa na si Lucas, naghihintay sina Monica, Jared at Crizza sa paborito nilang tambayan—sa Evergreen Club.

Narinig din ni Shawn ang boses ni Crizza sa cellphone.

“Shawn, bilisan mo na! Ikaw na lang ang kulang!”

Matagal ng may crush si Crizza kay Lucas. Alam iyon ni Shawn dahil simula pa noon, lagi nang bukambibig ng pinsan ang atraksyon nito sa kababata niya. Pangarap ng babae na mapakasalan ang lalaki. Wala itong ibang gusto kung hindi si Lucas. Ngunit sobrang taas ng pamantayan ni L
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (3)
goodnovel comment avatar
Elie Morley Martinez
db medyo habaan nlng un mga ads para maienjoy nman pgbabasa nmin...
goodnovel comment avatar
Rey Ann
Ang ganda po tagalaga thankyou pooo
goodnovel comment avatar
Sa Rah Dee
Ang tagal ng update
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 200

    Agad naman na tumawa si Gregorio sa isang banda.“Ang Maxine na ito ay siguradong naiinggit kay Amanda natin. Kaya nga sinabi niya ang mga iyon dahil gusto niyang sirain ang hapunan na ito,” wika ni Gregorio.“Ang simpleng batang ito na galing sa probinsya ay nangahas pang tawaging manloloko si Surgery Master? Nakakatawa,” dagdag naman ni Katie.Hinawakan ni Amanda ang kamay ni Surgery Master at agad na nagsalita sa kanya.“Surgery Master, huwag mong masamain si Maxine. Naiinggit lang siya sa atin dahil hindi maayos ang kanyang isipan,” paliwanag ni Amanda.Tumingin naman si Surgery Master sa direksyon kung saan nawala si Maxine at bahagyang huminga. Kahit hindi niya eksaktong alam kung ano ang nadiskubre ni Maxine, ramdam niya ang pagkabalisa at takot.Sa kabutihang palad, pinaalis siya ng pamilya Garcia.Tiningnan naman ni Surgery Master ang pamilya Garcia na parang pag-aari niya at ngumiti nang mahinahon. “Ayos lang. Wala akong pananagutan sa mga sinasabi niya,” saad naman

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 199

    Naramdaman ni Mrs. Marivic na ito na ang pinakamagandang sandali ng kanyang buhay. Pinapayaman siya ng kanyang dalawang pinakamamahal na apo.Ngumiti nang may pagmamalaki sina Monica at Amanda. Ang dalawang gintong bulaklak ng pamilya.Puno naman nang kagalakan ang ikalawa at ikatlong sangay ng pamilya Garcia.Samantala, tahimik namang pinanood sila ni Maxine mula sa sulok. Ang kasiglahan at karangyaan ng pamilya Garcia ay hindi kailanman magiging sa kanya. Ang tanging taong mahalaga, ang kanyang ama ay matagal nang wala, nakalibing na, at ganap nang nakalimutan ng buong pamilya Garcia.Sa sandaling iyon, biglang naramdaman ni Maxine ang isang tingin na nakatuon sa kanyang mukha. Tumingin siya pataas at nakita si Shawn.Nakatayo si Shawn sa ilalim ng maliwanag na ilaw, direktang nakatingin sa kanya.'Ano ang tinitingnan niya?' aniya sa kanyang isipan.Ngayong gabi, kasama niya si Monica pabalik sa lumang mansyon, upang suportahan ito.Tila nakalimutan ng lahat dito na siya ang

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 198

    Lahat ng mga katulong ay labis na nasasabik, puno ng paghanga kay Amanda.Sa sandaling iyon, bumaba naman si Mrs. Marivic kasama si Gregorio mula sa ikatlong sangay at si Katie. Lahat sila ay nakabihis nang pormal, habang may ngiti sa kanilang mga mukha.Nang makita ni Marivic si Maxine, agad siyang nagsalita nang malamig.“Maxine, ngayong gabi ay dadalhin ni Amanda si Surgery Master sa bahay para sa hapunan. Mas mabuting manahimik ka at huwag mong saktan si Surgery Master o baka hindi kita patatawarin!”Napatingin naman sina Gregorio at Katie kay Maxine nang casual. “Ma, narito na si Amanda at si Surgery Master. Halika, salubungin natin sila.”Pagkatapos nilang magsalita, huminto ang isang mamahaling sasakyan sa garahe ng mansyon ng pamilya Garcia.Magkahawak-kamay na pumasok si Amanda kasama si Surgery Master sa kanilang bahay.Ngayong gabi, nakasuot si Amanda ng mahabang gown, nagliliwanag at nakakaakit ang kanyang postura. “Lola, Mom, Dad, ipakikilala ko sa inyo si Surge

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 197

    Habang naririnig ang halakhak ng dalawang babaeng empleyado, tumingin si Arriana patungo sa Velasco Corporation.Bilang isang estudyante ng pag-arte, natural niyang naiintindihan na ang Global Entertainment ng Velasco Corporation ay kumokontrol sa kalahati ng industriya ng entertainment, taglay ang mga pinakamahuhusay na resources at koneksyon. Mga bagay na karamihan sa tao ay pwedeng pagsikapan sa buong buhay nila at hindi man lang maaabot.Lahat nang iyon ay pag-aari ni Shawn, ang lalaking ito.Dahan-dahang sumilay ang mga mata ni Arriana sa isiping iyon.Samantala, bumalik naman si Shawn sa opisina ng CEO at tinapik nang malakas ang mga dokumento sa mesa.Inilabas niya ang kanyang telepono at binuksan ang messenger. Hindi pa rin sumasagot si Maxine.Sa sandaling iyon, tahimik na pumasok si Mike at mahina ang boses na nag-ulat sa kanya.“Sir, wala raw po si madam sa paaralan ngayon. Pumunta po siya sa ospital para alagaan si sir Lucas.”Sa mga nakaraang araw, laging ni-re-rep

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 196

    Habang nagsasalita, ngumiti si Jessica kay Maxine na tila may halong pahiwatig. “Maxine, mahusay talaga ang performance ng asawa mo sa pagkakataong ito.”Nagulat naman si Arriana at tumitig kay Maxine. “Maxine, si Mr. Velasco ba ang asawa mo? Talaga bang ikaw ang Mrs. Velasco?” takang tanong ni Arriana.Tumango naman si Jessica at sinabi, “Oo, siya nga ang totoong Mrs. Velasco. Ang Maxine nga natin!”Hindi naman makapaniwala si Arriana sa kanyang narinig. Hinawakan niya ang kamay ni Maxine, puno ng inggit ang mukha. “Maxine, ang swerte mo talaga.”Ngumiti naman si Maxine nang pahilis at may halong komplikadong emosyon. Hindi niya alam kung ano talaga ang pakiramdam ng kaligayahan.Humiga siya sa kama at inilabas ang kanyang telepono, binuksan ang messenger at hinanap ang pangalan na asawa. Pagkatapos nang sandaling pag-aatubili, nagpadala siya ng mensahe rito.Maxine:Salamat.Isang simpleng salita lamang iyon, ngunit makabuluhan. Ilang sandali lang, bigla namang tumuno

  • Win Me Back, My CEO Husband!   Kabanata 195

    Biglang binuksan ni Shawn ang pintuan sa likod, hinawakan si Filipe sa kwelyo, at hinila palabas ng sasakyan.Nanginginig nang todo si Filipe dahil sa ginawa ni Shawn. “M-Mr. Velasco, a-ano... ano ang nagawa ko para magalit ka nang ganito? Pakiusap—”Ngunit, hindi siya binigyan ni Shawn nang pagkakataong magsalita. Isang suntok ang kanyang tinama sa mukha nitoBumangga ang katawan ni Filipe sa sasakyan dahil sa lakas ng impact.Kapag nakikipaglaban si Shawn, tense at malalakas ang mga kalamnan sa ilalim ng kanyang suit at kamiseta. Bawat suntok ay eksakto at walang awa. Sunod-sunod na suntok ang tumama, at natabunan ng dugo ang mukha ni Filipe. Hindi na siya makapagsalita para humingi ng kapatawaran.“Aling kamay ang humawak sa kanya? Ito ba?”Isang hampas lang at nabasag ni Shawn ang kanang kamay ni Filipe.Samantala, nahulog naman si Filipe sa lupa, mababaw at hindi pantay ang kanyang hininga.Sa sandaling iyon, dumating naman si Mike kasama ang grupo ng mga tauhan niya.“

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status