Pinabagsak ni Marivic si Nora sa lupa, at walang tigil na pinagsusuntok at sinisipa. Ang bawat suntok, bawat sipa, ay parang dumudurog hindi lamang sa katawan kung hindi sa puso ni Nora.Pagkatapos nang mabagsik na pananakit, humina ang tinig ni Nora, halos pabulong sa kirot at takot nang magsalita.“H-Huwag mo na akong saktan. S-Sobrang sakit. Please, t-tama na…”“Guards, dalhin ninyo siya at ikulong muna!” mariin na utos ni Roberto, ang boses niya ay puno ng awtoridad at malamig na determinasyon.Pumasok ang ilang bodyguard na nakasuot ng itim at mahigpit na hinuli si Nora, na halos hindi na makagalaw sa sakit at takot.Samantala, yakap-yakap naman ni Marivic si Wilbert, at ang kanyang mga luha ay bumuhos dahil sa pighati.“Wilbert! Wilbert! A-Anong kamalasan ito sa pamily natin. Bakit nangyayari ito!?”****Sinimulan ng pamilya Garcia ang paghahanda para sa libing ni Wilbert. Samantala, hindi naman mapakali si Monica, ang puso niya ay puno ng kaba at pangamba. Natatakot si
더 보기