Hindi kayang mapataob ni Jared si Maxine, kaya ibinuhos niya ang inis sa kanyang kaibigan na ngayon ay nasa tabi pa rin niya.Bahagyang itinaas ni Shawn ang kanyang kilay nang marinig ang sinabi ni Jared.“Offline na siya,” tipid niyang sagot.Nagdilim na ang avatar ni Maxine, at isa itong patunay na hindi na siya online.Napayuko si Jared sa pagkadismaya nang malaman iyon, at sinabi, “Sa susunod, ikaw ang kailangang makipaglaro kay Maxine, Shawn.”“Sige,” sagot ni Shawn nang walang pagtutol, at tiningnan niya si Jared. “Tara na.”Ngunit, may biglang naalala si Jared tungkol sa isang bagay kaya hinarap niya ito.“Na-add mo na ba ‘yong genius na junior schoolmate mo?” tanong niya kay Shawn.“Bakit ba sobrang interesado ka sa kanya?” takang tanong naman ni Shawn.“Syempre naman. Dyosa kasi 'yon!” nakangiting sagot ni Jared.“Nasa iisang group chat lang kami,” sagot ni Shawn sa kalmadong boses niya.Nang dahil sa narinig, nagsimulang kuminang ang mga mata ni Jared sa tuwa.“Talaga ba, Sha
Baca selengkapnya