Kakalabas pa lang ni Shawn mula sa banyo, at narinig niya ang buong voice message kanina. Dahil diyan, nanigas si Maxine.Sa sandaling iyon, nag-blackout ang kanyang isipan. Agad siyang napabangon, gulat na gulat ang kanyang mukha.“Hindi. H-Hayaan niyong ipaliwanag ko, M-Mr. Velasco,” utal na sabi ni Maxine rito.Dahil sa labis na kaba, nahulog ang kanyang cellphone mula sa kamay niya at bumagsak sa kama.Kasabay nito, tumunog nang malakas ang voice message ni Althea.“Ang ganda ng katawan ni Mr. Velasco, at sigurado akong may six-pack abs ‘yon! At nakita ko rin na mahahaba ang mga daliri niya. Sabi nila, magagaling daw sa kama ang mga lalaking gano’n. Maxine, go lang! Matulog ka na kasama si Mr. Velasco ngayong gabi!”At tuluyan na ngang natigilan si Maxine sa mga pangyayari ngayon. Pakiramdam niya ay malakas siyang nabangga sa pader.‘Tulungan niyo ako!’ aniya sa isip-isip niya. ‘Normal naman ‘yong simula ng usapan namin, pero bigla na lang diniretso ni Althea sa kabastusan, at hind
Read more