Hindi mapigilang ngumiti ni Gavin nang marinig ang pagbibiro ng dalaga. Nag pasya siyang dumiretso sa kusina para uminom ng tubig nang umakyat na si Artemis sa kuwarto nito para mag banlaw at mag bihis. "Minsan mabait, madalas makulit." aniya na naiiling. Kinagabihan, sabay silang kumain sa hapagkainan. Simula nang maging bodyguard siya ni Artemis, katangi-tangi siyang may special treatment. Sobrang bait sa kaniya ng mga magulang ng dalaga kaya naman hiyang-hiya siya kumilos. "Chill ka lang, huwag ka ng mahiya. Ilang beses ka na naming sinasanay na kasabay namin kumain." nakangiting saad ng Mommy ni Artemis. Sinang ayunan naman iyon ni Knight. "Kamusta ang pag aaral mo, Gavin?" tanong naman nito. "Maraming salamat po sa opportunity na maranasan kong may makasabay kumain. (Sabay baling ni Gavin sa lalaking amo.) Ah, Sir Knight ayos lang po. Nakakaintindi na ako at medyo mabilis rin matuto." nahihiyang pagkukuwento ni Gavin. Proud na ngumiti ang mga magulang ng dalaga at magin
Terakhir Diperbarui : 2025-09-09 Baca selengkapnya