Nalaman nilang isang batang babae ang kanilang anak. Kaya naman namili na rin sila ng gamit pang baby. Hindi naman mapigilan ni Lily mamangha dahil kulang na lang mag tayo ng Mall si Knight sa dami ng gamit ng bata na binili nito. "Grabe ang daming gamit, sampo ba ang anak natin?" natatawang puna ni Lily. "Hindi. Pero, kaya kong gumawa ng sampo." biro pa ng lalaki. "Loko, anong akala mo sa akin baboy? Kaya mag anak ng ganun karami? Kahit ba isa lang, dalawa o tatlo sa isang anakan. Mahirap pa rin." sagot naman ni Lily. Yumakap sa kaniya si Knight. "Joke lang. Para 'yan sa nag iisa nating Prinsesa. Mas marami pa 'yan pag nadagdagan sila. Kaya wag ka ng umangal. Ayos lang 'yan, mahal kita pero mas mahal ko ang magiging anak natin. Kaya huwag kang manghinayang sa gastos. Deserve niya 'yon dahil ako ang tatay niya." nakangiting tugon ni Knight. Tila may mainit na palad namang humaplos sa puso ni Lily. Bihira na lang sa panahon ngayon ang lalaking nag eeffort at nagbibigay sa anak.
Last Updated : 2025-08-27 Read more