-Valerie-“Savanna!” tuwang-tuwa ako nang makita ko siya. Medyo nagkalaman siya ng kaunti dahil sa pagdadalang-tao niya, pero mas bagay naman sa kanya kaysa ‘yung pang-modelo niyang katawan. “Ang ganda-ganda mo lalo. Hiyang ka talaga kay Norman, ano?”Nang kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya, nakipagbeso naman ako kay Norman.“Siyempre, naman. Hindi ako pinapabayaan nitong asawa ko. Alaga ako niyan sa dilig.” kinikilig na sagot ni Savanna at natawa ako nang pamulahan ng mukha si Norman.“Hoy Savanna! Tignan mo ‘yang asawa mo, siya ‘tong nahihiya sa mga pinagsasabi mo. Ikaw talaga, kailangan ka pa naging taklesa!” hinila ko siya papasok sa bahay, at sumunod naman si Norman.“I’m just being honest. Mag-asawa ka na rin, Valerie. Ang sarap kaya ng may katabi sa gabi.” mas lalo pa akong ininggit nang maghalikan sila sa harap ko. Smack lang naman, pero naiinggit pa rin ako. “At saka sa’yo yata ako natutong maging taklesa.”Natawa ako ng malakas. Sa aming dalawa, ako ang maingay. At alam ko
Last Updated : 2025-11-28 Read more