Nasa rooftop ng Fashion Department sina Silhouette at Charlotte. Napansin ni Charlotte na malalim ang iniisip ng kanyang matalik na kaibigan. Kanina pa siyang nagsasalita ngunit wala palang nakikinig.“Ano bang iniisip mo? Kanina ka pa. Mukha na akong baliw dito. Ano bang problema, Silhouette?”Naalala niya kung paano siya i-bully ng grupo ni Ivan. Hawak ni Ivan ang kanyang skateboard.“Ibalik mo sa akin ‘yan, Ivan!” umaalingangaw ang boses ng dalaga habang desperado siyang makuha ang skateboard sa binata.“Bakit, ano’ng gagawin mo? Kaya mo na ba ako, Silhouette?” Magaling na skateboarder si Ivan ngunit natalo siya ni Silhouette sa isang friendly match. Hindi iyon tinanggap ng lalaki. Iyon ang simula ng walang tigil nitong pambu-bully sa kanya.Nagpaikut-ikot si Ivan gamit ang skateboard ni Silhouette.“Lumaban ka ng patas, hindi ‘yung nagnananakaw ka!”“Alam mo ba kung anong mas masakit, Silhouette? Makuha mo man ito, hindi mo na rin ito mapapakinabangan pa. “ “Isa kang talunan! Ta
최신 업데이트 : 2025-05-29 더 보기