Home / Romance / ANG MUTYA NG HULING MAFIA / CHAPTER 7: THE DANGER

Share

CHAPTER 7: THE DANGER

Author: Bb.Taklesa
last update Last Updated: 2025-06-09 13:15:37

He sealed it with a kiss matapos niyang ilagay ang kuwintas sa leeg ni Silhouette. At wala ring pagsidlan ng tuwa ang dalaga sa mga pangyayari ng gabing iyon. Umapaw sa saya ang kanyang puso habang ikinukuwento ang mga pangarap niya sa buhay. Parang wala nang makakapigil sa kanya na sundin ang kanyang puso. Wala nang makakahadlang na harapin ang kanyang kinabukasan.

“I’ll get inside now and… see you later!” Muling ginawaran ng halik ni Sandro ang babae sa noo. Yumakap naman ng mahigpit si Silhouette at saka pumasok sa loob ng unit.

Napasandal si Silhouette sa likod ng pinto while holding her chest. Matindi ang tibok ng kanyang puso na para itong sasabog tulad ng first time nilang pagkikita matapos nilang mapagkamalan ang lalaki na kanyang ate.

Humakbang siya patungong sala ngunit nakita niya ang anino ng babae na may hawak na wineglass.

“Huh, Ate Seraphina? You’re still awake?”

“Hinintay talaga kita.”

“May mahalaga ba tayong pag-uusapan?”

“Gaano kayo kaseryoso sa relasyon ninyong dalawa?”

“Ate…”

“Kilala mo na ba si Sandro?”

“I am still getting to know him. If you know a lot about him since matagal na kayong magkaklase, why not tell me?”

“Akala ko matalino ka? Huwag mong pairalin ang puso mo.”

“How can you say that when Sandro is my first love? Ngayon lang ako umibig ng ganito, Ate. May dapat ba akong malaman tungkol sa kanya?”

“Kilalanin mo muna si Sandro bago mo ibuhos ang lahat sa kanya?”

“Is he not worthy of my love?”

“You speak like a veteran in this field. Maghunus-dili ka. Mag-isip-isip ka muna.”

“Ano nga ang dapat kong malaman sa kanya? Masama ba siyang tao? May asawa ba siya? Then tell me.”

Hindi makaimik si Seraphina dahil hindi pa niya kumpirmado ang lahat. Nabalot ng pag-aalala ang puso at isipan ni Seraphina. Dala-dala niya ang isang lihim na mas mabigat pa kaysa sa anupamang sikreto. Matapos niyang magtagumpay na paglapitin sina Sandro at Silhouette, isang malaking pasabog ang babago sa kanyang mga plano.

“You are 2-months pregnant.” Hindi halos maintindihan ni Seraphina ang mga payo sa kanya ng kausap. Halos tulala siya at wala sa sarili pag-upo niya sa loob ng kotse. Kumpirmado ang kanyang hinuha. Buntis na talaga siya.

Hindi siya makapapayag na masira ang lahat ng kanyang plano dahil sa kanyang pagbubuntis. Sa sitwasyon, kailangan niyang makapag-isip kaagad ng Plan B.

“Matulog ka na muna. Mag-uusap tayo paggising mo.”

“Pupunta rin dito si Sandro.”

“Much better.”

“Good morning, Ate.” Tinalikuran siya ng kapatid at dinig ang pagsara ng kanyang pinto.

Alas diyes nang umaga gumising si Silhouette. Dinampot niya kagaad ang kanyang cellphone at nakita ang mensahe ni Sandro. Bandang gabi pupunta si Sandro sa kanila.

“What is your agenda?”

“Secret!” Napangiti ang babae.

 Nasa sala ng unit ang kanyang mga magulang at abala si Seraphina sa pag-aayos ng kanilang mga gamit.

“You are awake, mahal na prinsesa.” Iyon ang madalas na bati ng kapatid sa kanilang bunso kahit noon pa man.

“Sandro will come at night, Nanay. Baka po sumabay na siyang mag-dinner sa atin.”

“That’s great. I will also have an announcement to make,” sabi rin ni Seraphina.

“Darating rin ba ang boyfriend mo, Iha?”

“It is more than that, Tatay.”

“Can we call this a double celebration? Salome, maghanda ka ng paboritong putahe ng ating pamilya. Let’s not miss this opportunity na makilala ang boyfriend ng ating mga anak.”

Napangiti na lang si Seraphina. Iba ang naglalaro sa kanyang isipan. Nag-book sa Grab App si Seraphina ng kotse upang ihatid ang kanyang mga magulang kasama si Silhouette sa kanilang tirahan. Hindi niya maihahatid ang mga ito dahil kailangan rin niyang pumasok sa kanyang trabaho.

“Ikaw na muna ang bahala kina Nanay at Tatay,” paalala ni Seraphina.

“Yes, Ate. By the way, I will come and see you in your office.”

“Are you sure na ako ang pupuntahan mo?”

“Oo naman. I mean business when it’s about business.”

“Hihintayin kita.”

Sa kabila ng hindi magandang pakiramdam dala ng kanyang lihim na pagbubuntis, sinikap ni Seraphina na kumilos ng maliksi tulad ng dati. Pumasok siya sa King’s Construction Building na iyon habang patingin-tingin sa kanyang relo. Ngumiti ang ilan sa kanyang mga nakakasalubong at bumabati rin sa kanya.

May ilang kalalakihan naman ang nagmamadali sa escalator paakyat ng second floor. Pumasok siya sa  isang marangyang opisina na may modernong disenyo. Pinagmasdan niya ang paligid—malinis, propesyonal, ngunit may hindi maipaliwanag na bigat sa hangin. Nabalot ng kaba ang kanyang dibdib at maraming pumapasok na kung anu-ano sa kanyang isipan. Dumating si Sandro, naka-suave na amerikana, may bahagyang ngiti sa labi.

“Good morning, Seraphina. First time ha!”

“Anong first time?” Sumenyas na tumingin sa kanyang relo. Late na kasi siya. Umupo siya at kinuha ang ipinatong na coffee cup ni Sandro. Iyon ang morning routine nila sa loob ng kanilang department.

“You are late, Partner. What happened?”

“Napuyat lang naman ako sa paghihintay sa aking darling sister.”

“She’s a matured lady, Seraphina. Allow her to explore the world. Hindi mo siya forever na matatalian para lumipad at tuparin ang kanyang mga pangarap.”

“Bare in your mind that she is still my sister.”

“Noone is taking it away from you. Why so serious this morning?”

Lumayo si Sandro kasama ang ilan pa nilang mga ka-officemate at umupo sa kanilang working table habang hawak ang kanilang coffee mug.

Naririnig niya ang malakas na usapan ng mga lalaki. Tumayo si Seraphina upang mag-CR. Masama talaga ang kanyang pakiramdam. Nanibago siya sa lasa ng kape na paborito niyang inumin.

“Kailan ang kasal, Sir Sandro?” biro ni Roman.

“Napakabilis mo naman, Sir. Kasal kaagad. Imagine, ang pinakatahimik na empleyado at napagkakamalang suplado ng mga babae rito, ikakasal na pala. Kailan ba? Imbitado kami riyan ha!” dagdag naman ni Paco.

Iba ang dating ng mga ngiti ni Sandro ng makita ang reaksyon sa mukha ni Seraphina. Silang dalawa lang ang nagkakaintindihan.

“LET’S TALK!” sabi ni Seraphina pagtapat sa mesa ni Sandro.

“Uy! Lover’s Quarrel?” magkahalong kilig na sabi ng dalawa.

“Naging sila ba?”

Seryosong magkaharap sina Seraphina at Sandro sa King’s Café. Nasa first floor lang ito ng building na iyon. Hindi niya nagustuhan ang biro ng kanyang mga katrabaho tungkol sa kasal at sa mga plano ni Sandro.

Nakahalukipkip ang babae ng makaharap si Sandro.  

“Hindi ako sang-ayon sa kasal ninyo ni Silhouette. Kaga-graduate pa lang ng kapatid ko. May mga pangarap pa siya sa buhay.”

“Puwede ko siyang samahan habang binubuo ang kanyang mga pangarap.”

“Pero hindi ang pagpapakasal sa iyo!” Pigil na pigil ang tugon ni Seraphina. Gusto niyang sigawan ang lalaking kausap.

Inakala niyang matalik na kaibigan ang turingan nilang dalawa ngunit posibleng masira ang ugnayang iyon dahil lang sa seryosong plano ni Sandro para kay Silhouette.

“Give me a valid reason para tumutol ka.”

“Hindi pa alam ng kapatid ko ang tunay mong pagkatao.”

“Ano ba ang alam mo sa pagkatao?”

“You are a MAFIA.” pabulong na sabi ni Seraphina.

“What makes you think that I am? Tulad rin ako ng ibang tao, Seraphina. Pangarap ko ring magkapamilya. But you cannot threaten me. I will come and see your family this evening. Hindi mo ako mapipigilan. Isipin mo ang gusto mong isipin tungkol sa akin.”

“But you cannot bring Silhouette to your dirty and hideous world. Sisiguraduhin ko ‘yan, Sandro.” pagbabanta ni Seraphina.

Tumayo si Sandro at tumayo rin si Seraphina ngunit bahagya siyang nahilo. Pinagpawisan siya ng malamig at naramdaman niya ang pagsusuka.

Samantala, bumukas ang automatic gate ng mansion na iyon pagpasok ng isang pribadong kotse. Nagmadaling bumaba ang lalaking naka-black jacket hawak ang kanyang black clutch bag. Sumunod sa kanya ang isa pang lalaki ngunit sinabihang maghintay na lang sa kotse.

Hindi pa lang siya nakakapasok sa loob ng kabahayan ay sumalubong na sa kanya ang babaeng naka-night tee pa ng puti. Nagbuga siya ng usok at sinalubong siya ni Alberto ng mainit na halik. halata ang pagod ni Alberto sa kanyang mukha. Nasa harap niya ang asawa habang nakataas ang kilay ngunit nanlilisik ang mga mata. Alam niyang hindi magiging maganda ang kanilang pag-uusap.

“Mabuti naman at umuwi ka. Bakit ngayon ka lang? Daig ko pa ang kabit sa paghihintay sa iyo.”

“Ipaghanda mo ako ng gamit ko.”

“NO! Sabihin mo muna sa akin, where were you all this time?”

"Simula’t sapul ay alam mo ang trabaho ko!  Binalaan na kita!" malalim na buntung-hininga ang kumawala sa kanyang bibig. Nagtuluy-tuloy siya sa hagdan at sinundan din siya ng babae.

Ilang beses mo nang sinabi 'yan! Nakakaintindi ako pero hindi mo sa akin sinasabi.” Dahil hindi lahat ay puwedeng sabihin sa nature ng trabaho ni Alberto.

"Hindi ko pinili ito! May mga bagay na hindi ko puwedeng sabihin."

"Hindi mo puwedeng sabihin? Alam kong may itinatago ka. Alam kong may mas malalim pang dahilan kumbakit hindi ka umuuwi rito sa bahay. Hindi ka na nga kilala ng mga anak mo!"

"At kung sabihin kong tama ka? Kung sabihin kong may mga bagay kang hindi ka dapat malaman?"

"Hindi mo ako puwedeng gawing tanga, Albert! Kung may kailangan akong malaman, sabihin mo na nang harap-harapan dahil natitiyak ko sa iyo na malalagay sa kapahamakan ang babaeng iyon!"

Nagtama ang paningin nilang dalawa.

“Hindi mo alam ang sinasabi mo, Katreena.” Sinalubong ni Alberto ang maiinit na labi ng asawa. Matagal niya itong hindi nakita.

Malalaki na ang kanilang mga anak at mag-isa na lang siya sa kanilang mansion. Naiintindihan niyang malungkot ang kanyang asawa kaya’t pinagbigyan niya ito. Mas matinik sa kama ang asawa ng heneral. Mas wild ito at maraming alam sa mga posisyon. Natakam muli si Alberto sa katawan ng asawa lalo pa’t bahagya niyang na-miss ang intimate moments nila. Alam nilang dalawa kung paano paliligayahin ang isa’t isa.

“Huwag nang matigas ang ulo mo. Ikaw pa rin ang nag-iisang Mrs. Alberto Edwards.” Ginawaran ng halik ni Alberto ang asawa habang nakadapa ito sa kama at walang lakas makipag-away.  

Tumulo ang luha ng asawa habang dinig niya ang pagpinid ng pinto.

“You can’t get away with this. That bitch!”

Hindi na nagawang umalis ni Silhouette upang kausapin si Seraphina sa opisina nito ng umagang iyon. Hindi pa siya nakakabawi ng tulog kaya minabuti niyang magpahinga at paghandaan ang pagpunta ni Sandro.

“Why sudden come and visit here later this evening?”

“I want to talk to your parents.”

“Talk to my parents about what?”

“Just trust me, Silhouette.”

“Okay, I will be excited to meet you here.”

Ngunit kinagabihan, inasahan na rin ni Silhouette ang pag-uwi ng kanyang ate.

“Parang namumutla ka, Ate.”

“Don’t mind me. Did you prepare for tonight?” Tumango naman ang kapatid. Nasulyapan niyang Maganda ang pagkakaayos ng kanilang mesa. Bihis na bihis na rin si Silhouette. Padala daw iyon ni Sandro para sa kanilang salu-salo sa gabing iyon. Tumalikod si Seraphina at umismid.

Ngunit tulad ng plano si Seraphina, sisiguraduhin niyang magbabago ang takbo ng plano ni Sandro.

Tahimik na natapos ang hapunan at niyaya ni Simon at Salome sina Silhouette at Sandro sa sala upang magkausap-usap.

“Seryoso ba ang pakay mo, Sandro?”

“Opo.” Nandun din si Seraphina. Mahigpit na hinawakan ang kamay ni Silhouette.

“Seryoso po ako…” panimulang sabi ni Sandro. Nakangiti ang babae sa kanyang tabi.

“Tatay, buntis ako,” sabat ni Seraphina.

“Ate…”natigilan si Silhouette.

“Seraphina…”sabi ng ama.

“Si Sandro po ang ama. Hindi ko rin inaasahan ito. Sandro, paano kami ng anak mo kung magpapakasal kayo ni Silhouette?” diretsahang sabi ni Seraphina.

Hindi natinag si Sandro sa kanyang kinauupuan. Napahawak siya ng mahigpit sa maliit na kahon na nasa loob ng bulsa ng kanyang blazer. Kaagad niyang inilayo si Seraphina at nagtungo sila si hardin.

“How could you do this to me?”

“Hindi ko mapapayagan ang plano mo! You marry me or you get hated by Silhouette your entire life. Kapag nalaman niya ang buo mong pagkatao, kamumuhian ka niya!”

Hindi nilingon ni Sandro si Silhouette. Ayaw niyang makita ang pag-iyak nito. Tahimik siyang umalis sa lugar. Naisip niyang may dahilan ang lahat.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • ANG MUTYA NG HULING MAFIA   CHAPTER 10: THE KIDNAP

    Hindi makapaniwala si Seraphina sa pangyayaring iyon. Sino ang makakaisip na ipakidnap ang 5-months old niyang anak? Nanginginig sa takot si Silhouette na lapitan siya nito at sa pagkabigla sa balita ay sinampal niya ang kapatid.“Bakit mo iniwan ang bata ng ganoon lang, Silhouette?”“Ate, saglit na saglit lang naman ako. May kinuha lang ako. Pagbalik ko, wala na si Baby.”“Huwag na kayong mag-away. Tawagan mo si Sandro. Sabihin mo ang nangyari sa anak niya,” utos ni Salome.Iyon ang malaking problema. Halos limang buwan rin simula ng manganak siya ay hindi siya dinalaw ni Sandro kaya nagagalit ang mga magulang niya sa lalaki.“Ano bang nangyayari sa inyo ni Sandro? May problema ba? Bakit hindi niya kayo rito dinadalaw?” tanong ng ina. Pawang pananahimik lang ang kanyang isinukli.“Anong problema, Seraphina?” tanong ng ama. Mukha siyang seryoso habang nasa tabi ng babae ngunit wala siyang narinig na tugon mula sa anak.Matagal na siyang nakakatanggap siya ng mga anonymous message at

  • ANG MUTYA NG HULING MAFIA   CHAPTER 9: THE SILENCE

    Pinanindigan ni Silhouette na ipaubaya si Sandro kay Seraphina. Saglit pa lang ang kanilang relasyon kung tutuusin. Walang matagalang ligawan pero naging sila kaagad ni Sandro. Ipinikit ni Silhouette ang kanyang mga mata ngunit tumulo pa rin ang luha niya. Hindi niya natitiyak kung kailan niya makakalimutan ang pait ng kanyang unang pag-ibig.Kinabukasan ay nagmamadali siyang nagtungo sa Sybils, isang kilalang dress shop both local and international. Sinikap niyang kunin kaagad ang trabaho kahit mababa ang offer sa kanya. Ipinangako niyang hindi na siya aasa sa kanyang ate. Samantalang sa opisina ng King’s Construction, tahimik na nakayuko si Seraphina. Napabuga ng hangin si Leo Shin at inihagis ang puting envelop na iniabot nito. Napahampas siyang bigla sa mesa sa labis na pagkadismaya.“What’s the meaning of this, Seraphina? Bakit ngayon pa? We have a big project!”“Sir Leo, hindi ko rin ginusto na umabot sa ganito. Pero may bagay akong kailangang harapin at hindi ko na maaaring i

  • ANG MUTYA NG HULING MAFIA   CHAPTER 8: THE IMPULSE

    “Hindi mo alam ang sinasabi mo Seraphina. Kaya kong panindigan kung sino ako. Hinuhusgahan mo na kaagad ang kapatid mo at kung paano ko siya mamahalin.”“Sandro, alam kong hindi ka seryoso sa kapatid ko. Napagkamalan ka lang siya and then what? Naging kayo na? Just because of a single kiss.” Natigilan si Sandro.“Have you been spying on us? And you are betraying your sister’s trust now.”“Hindi ko mapapayagan ang tulad mo sa pamilya namin.”“Then bakit ko kailangang panagutan ang dinadala mo? Think about your actions, Seraphina. Hindi mo pa ako kilala. Bakit mo ito ginagawa sa aming dalawa!”Tumalikod si Sandro at hindi na pumasok pa sa sala upang magpaliwanag kay Silhouette. Nakumpirma niyang may plano si Seraphina.Pumasok na sa loob ng sala si Seraphina. Nandoon at naghihintay sina Salome at Simon upang magpaliwanag sa kanyang mga sinabi. Tumulo ang luha ni Silhouette. Hindi na bumalik si Sandro matapos nilang mag-usap sa hardin.“Nasaan si Sandro?” tanong ni Silhouette.“Umuwi na

  • ANG MUTYA NG HULING MAFIA   CHAPTER 7: THE DANGER

    He sealed it with a kiss matapos niyang ilagay ang kuwintas sa leeg ni Silhouette. At wala ring pagsidlan ng tuwa ang dalaga sa mga pangyayari ng gabing iyon. Umapaw sa saya ang kanyang puso habang ikinukuwento ang mga pangarap niya sa buhay. Parang wala nang makakapigil sa kanya na sundin ang kanyang puso. Wala nang makakahadlang na harapin ang kanyang kinabukasan.“I’ll get inside now and… see you later!” Muling ginawaran ng halik ni Sandro ang babae sa noo. Yumakap naman ng mahigpit si Silhouette at saka pumasok sa loob ng unit.Napasandal si Silhouette sa likod ng pinto while holding her chest. Matindi ang tibok ng kanyang puso na para itong sasabog tulad ng first time nilang pagkikita matapos nilang mapagkamalan ang lalaki na kanyang ate.Humakbang siya patungong sala ngunit nakita niya ang anino ng babae na may hawak na wineglass.“Huh, Ate Seraphina? You’re still awake?”“Hinintay talaga kita.”“May mahalaga ba tayong pag-uusapan?”“Gaano kayo kaseryoso sa relasyon ninyong dala

  • ANG MUTYA NG HULING MAFIA   CHAPTER 6: THE LIFE

    He enjoyed Silhouette’s company and Charlotte never heard of Sandro complaining on errands. She is sure that his brother is in-love with Silhouette too. Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon ang kilos ng kanyang nakatatandang kapatid.“Are you sincere with my bestfriend?” nakapameywang na usisa ni Charlotte. Hindi naman umimik ang binata. “Hey, answer me!”“Bakit mo ba ako tinatanong? Kailangan mo pa ba akong kilatisin eh, kilala mo na ako.”“Huwag kang pa-fall kasi uutusan ko ang mga tauhan mo para ipabugbog ka.” Pinagbantaan niya ang kuya. Nakita ni Charlotte ang kakaibang ngiti ng kausap. “Kailangan ni Silhouette ng magtatanggol sa kanya. Lagi kasi siyang binu-bully ng grupo ni Ivan. Magtatapos na kami pero walang ipinagbago ang mga ugali nila.”“Hindi sila tunay na lalaki. Mga bahag ang buntot ng mga iyon. Huwag ka nang mag-alala. Everything has been taken cared of para sa aking mahal na mutya.”“How did you know that?” Tahimik lang ang lalaki sa kanyang tabi habang nasa backs

  • ANG MUTYA NG HULING MAFIA   CHAPTER 5 : THE LOVE

    Hindi halos nakakain si Silhouette ng hapunan. Parang busog na busog ang kanyang puso habang nakikitang kumakain si Sandro sa tabi niya. Nai-imagine niya ang labi ng binata kung kasinglambot rin ba ito ng pork humba.“Silhouette, tititigan mo na lang ba si Sandro? Punum-puno pa ang plato mo. Ang mahuli ay maghuhugas ng plato.”“Ate naman, ikaw na lang kaya. Never ka pa namang naghugas ng plato.”“I will help you.” nahihiyang sabi ni Sandro.“Talaga! Omg, nakakahiya naman.” Hindi nagpaawat si Sandro pero ang siste, nag-jack en poy pa sila. Talo si Silhouette at siya pa rin ang naghugas ng plato. Pero hindi naman umalis si Sandro sa tabi niya.Hindi kayang itago ni Silhouette ang kanyang nararamdaman kay Sandro. The moment na nakita niya ang lalaki at napagtantong nagkamali siya ng kanyang hinahalikan at iniiyakan ay hulug na hulog ang loob niya rito. Hindi naman siya iniwasan ni Sandro. Ang limang taong agwat nila ay hindi naman lalabas na sobrang tanda ng lalaki sa kanya.Nagpapahangi

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status