Sa kabila ng mga babala sa publiko sa isang seryosong sitwasyon ng kabilaang kidnapping incidents sa Kamaynilaan, hindi ito hadlang upang magsaya ang mga kabataang kabilang sa mayayaman at maimpluwensiyang pamilya.
Tahimik si Sandro at Abra habang naghihintay sa isang abandonadong gusali malapit sa university belt.
“Mukhang tahimik tayo ngayon ah!” mahinang sabi ni Abra sa mas batang amo. Cool lang si Sandro sa mga lakad nila ngunit ang pananahimik niya ng nagdaang araw ay kakaiba matapos siyang mapagkamalan ng kapatid ni Seraphina.
Maya-maya pa ay may mga yabag na ng sapatos ang kanilang narinig na paakyat ng hagdan sa ikalawang palapag. Naririnig nila ang sigaw ng galit at inis na mula sa isang dalaga. Anak siya ng isang congressman na may illegal smuggled cosmetics business.
"Boss, naitawag na po namin ang sitwasyon. Hindi po siya naniniwala. Scam lang daw po tayo."
Nagpupumiglas ang babae sa kanyang kinauupuan. Tumayo si Sandro at lumapit sa kinidnap na babae.
"Kilala mo ba ang tatay mo? Nagpagamit ka pa sa kalokohan ng iyong ama. Tingnan natin kung anong gagawin niya kapag ang pinakamamahal niyang anak ay narito sa poder ko." Tumunog ang telephono at kaagad naman itong sinagot sa kabilang linya. "Mukhang hindi ka pa natututo, Congressman." Matapang ang kanyang kausap at walang pinaniniwalaan.
"Wala kaming balak na takutin ka. Pero gusto kong malaman ng ama mo na tapos na ang laro niya." sabi niya sa dalaga.
Sumenyas si Sandro. Tinanggal ang busal sa bibig ng babae na nakatingin ng masama sa kanya ngunit halatang pinagpapawisan sa takot.
"Hindi ako natatakot sa inyo." Ngunit nabubulol habang nagsasalita.
“Wow, angtapang- tapang mo nga eh! Makapal pa ang mukha!” Humalakhak si Sandro habang tahimik ang mga kasama nito. Iniabot ang cellphone sa kasama niya.
“Bakit naman idinamay pa ninyo ang anak ko?”
"May oras ka pa para ayusin ang negosyo mo.”
Lumapit si Sandro sa babae at ipinakita ang mga larawan at dokumento sa anak bilang ebidensiya ng kanyang illegal na gawain.
“May hangganan ang kanyang kapangyarihan."
Kinabukasan, mainit-init pa ang laman ng balita, naibalik na ang babae sa kanyang pamilya.
Samantala, kakaiba ang aura ni Silhouette pagpasok sa Fashion Department. Sinabayan siya ni Charlotte.
“Hey, what’s up? Abut-tenga ang ngiti mo, Mare. Parang maganda ang gising mo.”
“This is me, Charlotte. I am the same Maria Silhouette Balboa from College of Fashion.”
“Tsss, ano ngang nangyari?”
“Wala naman. La-la-la-la-la-la!” Solve na ang problema ni Silhouette.
Natapos ang klase nila ng araw na iyon at ibinigay ang detalye ng kanilang graduation. Marami na namang nakaabang na gastusin at nag-iisip na siya kung paano magsasabi sa kanyang ate. Hanggang sa kantin ay titig na titig lang si Charlotte sa kanyang kaibigan.
“Alam mo, ngayon lang kita nakitang ganyang kasaya. Tsk! Tsk! Tsk! Are you in-love?”
“Ehem, nandito na ako. Ako ba ang pinag-uusapan ninyo?”
“Give me peace, Jude. Kung main-love ako, not with you.” Nakasimangot na si Silhouette.
“Ang harsh mo, Silhouette. Palamig ka muna ng ulo mo.”
May naglapag ng large cup ng lemonade sa tabi niya at iyon kaagad ay kinuha at ininuman niya. Nanlaki ang mga mata ni Charlotte. Tikom ang kanyang bibig.
“Oh, thanks, Char for this drink. I can think well right now!”
“Silhouette, hindi iyan sa akin.”
“Ha, kanino ito. Omg, bakit ko ininuman? Bakit kasi ipinatong dito? Baka may gayuma ‘yan ha!”
“Para saan ang gayuma, Silhouette?” Nanlaki ang mga mata ni Silhouette ng mapagtanto kung sino ang nagsasalita. Nasamid siya at lumabas sa ilong niya ang lemonade. Inubo siya ng todo.
“Kuya, why are you here?”
“You said, you will introduce me to your dearest friend. Where is she?”
“Silhouette, my Kuya Sandro. Kuya, si Silhouette,” kakamut-kamot si Charlotte. Kumuha ng tissue si Sandro at iniabot sa dalaga. Pulang-pula siya sa kauubo.
“Hello Silhouette. I am Alessandro Vasquez. Kuya ni Charlotte.”
“You are heaven sent. Puwede ba kitang maging model for a day next week? You will have dress rehearsal twice next week, Monday and Wednesday, 9am-11am sa may gym then presentation on Friday, at 9am-11am rin. Got it!”
“Did I say yes?”
“Yes, you just did say yes.”
“NO, wait!”
“Oh no, no, no! Silhouette will not accept no for your answer Mr. Vasquez. Always on the go ang mga Vasquez like Charlotte here.”
Umupo na lang si Sandro at inubos ang kanyang lemonade dahil na-ambush na siya ng dalawa. Nag-uumapaw ang kasiyahan ni Silhouette that day. Maayos siyang nakakain ng tanghalian at hindi niya pinansin ang mga bully niya.
Pagdating sa bahay, halos maputol ang leeg ni Silhouette. Umuwi ang kanyang ate at kasama si Sandro. They are busy in their mini-library. Parehong arkitekto ang dalawa at abala sa pagbuo ng isang housing project.
Sa bahay na rin naghapunan ang dalawa. Nakisalo na rin si Sandro sa mag-anak. Tuwang-tuwa ang ina dahil kahit paano ay napapadalas ang uwi ni Seraphina.
“Malaking proyekto po ito, Nay. Kailangang matapos namin,” paliwanag ni Seraphina sa ina.
“Kumusta kayo ni Sandro?” bulong ng ina.
“Nay, katrabaho ko po si Sandro. Nothing special between us. Huwag kayong maingay at baka kayo marinig. Nakakahiya naman.”
“Maraming salamat, Seraphina. Hindi ka nakakalimot sa pagpapadala ng pera. Huwag ka nang mag-alala dahil may sapat naman kaming naipon ng iyong ama.”
“Paano po si Silhouette?”
“Matatapos na siya ngayong taon. Puwede ka na ring mag-asawa? May boyfriend ka ba?”
Biglang natigilan si Seraphina.
Masyado siyang seryoso sa pag-aaral. Halos hilahin niya ang mga araw upang maka-graduate na siya. Hindi siya tumanggap ng manliligaw at hindi man lang sumagi sa isip niya ang mag-asawa balang-araw.
“Tatapusin ko na po ito, Nay para makauwi na rin si Sandro.”
“Aba’y sige. Iiwan ko na kayo riyan. Hindi ko na kayo iistorbohin.”
Hindi sinasadya ang pangyayaring iyon. Doon niya nakilala si Alberto. Wala siyang naging problema sa kanyang pag-aaral. May lihim na sumuporta sa kanya kapalit ng isang mahalagang misyon. Dumaan siya sa matitinding pagsasanay kaya napilitan siyang stay sa dorm.
“Find the last son of Mafia.” Ibinigay ang isang classified folder upang pag-aralan niya.
Hindi makapaniwala si Seraphina sa pangyayaring iyon. Sino ang makakaisip na ipakidnap ang 5-months old niyang anak? Nanginginig sa takot si Silhouette na lapitan siya nito at sa pagkabigla sa balita ay sinampal niya ang kapatid.“Bakit mo iniwan ang bata ng ganoon lang, Silhouette?”“Ate, saglit na saglit lang naman ako. May kinuha lang ako. Pagbalik ko, wala na si Baby.”“Huwag na kayong mag-away. Tawagan mo si Sandro. Sabihin mo ang nangyari sa anak niya,” utos ni Salome.Iyon ang malaking problema. Halos limang buwan rin simula ng manganak siya ay hindi siya dinalaw ni Sandro kaya nagagalit ang mga magulang niya sa lalaki.“Ano bang nangyayari sa inyo ni Sandro? May problema ba? Bakit hindi niya kayo rito dinadalaw?” tanong ng ina. Pawang pananahimik lang ang kanyang isinukli.“Anong problema, Seraphina?” tanong ng ama. Mukha siyang seryoso habang nasa tabi ng babae ngunit wala siyang narinig na tugon mula sa anak.Matagal na siyang nakakatanggap siya ng mga anonymous message at
Pinanindigan ni Silhouette na ipaubaya si Sandro kay Seraphina. Saglit pa lang ang kanilang relasyon kung tutuusin. Walang matagalang ligawan pero naging sila kaagad ni Sandro. Ipinikit ni Silhouette ang kanyang mga mata ngunit tumulo pa rin ang luha niya. Hindi niya natitiyak kung kailan niya makakalimutan ang pait ng kanyang unang pag-ibig.Kinabukasan ay nagmamadali siyang nagtungo sa Sybils, isang kilalang dress shop both local and international. Sinikap niyang kunin kaagad ang trabaho kahit mababa ang offer sa kanya. Ipinangako niyang hindi na siya aasa sa kanyang ate. Samantalang sa opisina ng King’s Construction, tahimik na nakayuko si Seraphina. Napabuga ng hangin si Leo Shin at inihagis ang puting envelop na iniabot nito. Napahampas siyang bigla sa mesa sa labis na pagkadismaya.“What’s the meaning of this, Seraphina? Bakit ngayon pa? We have a big project!”“Sir Leo, hindi ko rin ginusto na umabot sa ganito. Pero may bagay akong kailangang harapin at hindi ko na maaaring i
“Hindi mo alam ang sinasabi mo Seraphina. Kaya kong panindigan kung sino ako. Hinuhusgahan mo na kaagad ang kapatid mo at kung paano ko siya mamahalin.”“Sandro, alam kong hindi ka seryoso sa kapatid ko. Napagkamalan ka lang siya and then what? Naging kayo na? Just because of a single kiss.” Natigilan si Sandro.“Have you been spying on us? And you are betraying your sister’s trust now.”“Hindi ko mapapayagan ang tulad mo sa pamilya namin.”“Then bakit ko kailangang panagutan ang dinadala mo? Think about your actions, Seraphina. Hindi mo pa ako kilala. Bakit mo ito ginagawa sa aming dalawa!”Tumalikod si Sandro at hindi na pumasok pa sa sala upang magpaliwanag kay Silhouette. Nakumpirma niyang may plano si Seraphina.Pumasok na sa loob ng sala si Seraphina. Nandoon at naghihintay sina Salome at Simon upang magpaliwanag sa kanyang mga sinabi. Tumulo ang luha ni Silhouette. Hindi na bumalik si Sandro matapos nilang mag-usap sa hardin.“Nasaan si Sandro?” tanong ni Silhouette.“Umuwi na
He sealed it with a kiss matapos niyang ilagay ang kuwintas sa leeg ni Silhouette. At wala ring pagsidlan ng tuwa ang dalaga sa mga pangyayari ng gabing iyon. Umapaw sa saya ang kanyang puso habang ikinukuwento ang mga pangarap niya sa buhay. Parang wala nang makakapigil sa kanya na sundin ang kanyang puso. Wala nang makakahadlang na harapin ang kanyang kinabukasan.“I’ll get inside now and… see you later!” Muling ginawaran ng halik ni Sandro ang babae sa noo. Yumakap naman ng mahigpit si Silhouette at saka pumasok sa loob ng unit.Napasandal si Silhouette sa likod ng pinto while holding her chest. Matindi ang tibok ng kanyang puso na para itong sasabog tulad ng first time nilang pagkikita matapos nilang mapagkamalan ang lalaki na kanyang ate.Humakbang siya patungong sala ngunit nakita niya ang anino ng babae na may hawak na wineglass.“Huh, Ate Seraphina? You’re still awake?”“Hinintay talaga kita.”“May mahalaga ba tayong pag-uusapan?”“Gaano kayo kaseryoso sa relasyon ninyong dala
He enjoyed Silhouette’s company and Charlotte never heard of Sandro complaining on errands. She is sure that his brother is in-love with Silhouette too. Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon ang kilos ng kanyang nakatatandang kapatid.“Are you sincere with my bestfriend?” nakapameywang na usisa ni Charlotte. Hindi naman umimik ang binata. “Hey, answer me!”“Bakit mo ba ako tinatanong? Kailangan mo pa ba akong kilatisin eh, kilala mo na ako.”“Huwag kang pa-fall kasi uutusan ko ang mga tauhan mo para ipabugbog ka.” Pinagbantaan niya ang kuya. Nakita ni Charlotte ang kakaibang ngiti ng kausap. “Kailangan ni Silhouette ng magtatanggol sa kanya. Lagi kasi siyang binu-bully ng grupo ni Ivan. Magtatapos na kami pero walang ipinagbago ang mga ugali nila.”“Hindi sila tunay na lalaki. Mga bahag ang buntot ng mga iyon. Huwag ka nang mag-alala. Everything has been taken cared of para sa aking mahal na mutya.”“How did you know that?” Tahimik lang ang lalaki sa kanyang tabi habang nasa backs
Hindi halos nakakain si Silhouette ng hapunan. Parang busog na busog ang kanyang puso habang nakikitang kumakain si Sandro sa tabi niya. Nai-imagine niya ang labi ng binata kung kasinglambot rin ba ito ng pork humba.“Silhouette, tititigan mo na lang ba si Sandro? Punum-puno pa ang plato mo. Ang mahuli ay maghuhugas ng plato.”“Ate naman, ikaw na lang kaya. Never ka pa namang naghugas ng plato.”“I will help you.” nahihiyang sabi ni Sandro.“Talaga! Omg, nakakahiya naman.” Hindi nagpaawat si Sandro pero ang siste, nag-jack en poy pa sila. Talo si Silhouette at siya pa rin ang naghugas ng plato. Pero hindi naman umalis si Sandro sa tabi niya.Hindi kayang itago ni Silhouette ang kanyang nararamdaman kay Sandro. The moment na nakita niya ang lalaki at napagtantong nagkamali siya ng kanyang hinahalikan at iniiyakan ay hulug na hulog ang loob niya rito. Hindi naman siya iniwasan ni Sandro. Ang limang taong agwat nila ay hindi naman lalabas na sobrang tanda ng lalaki sa kanya.Nagpapahangi