Sa hallway pa lang ay sinalubong na kaagad si Silhouette ng grupo ni Ivan. Naririnig niya ang malakas na tawanan ng mga ito.
“In fairness, naglalakad si Skateboard Princess. Nasaan na ang skateboard mo?” pang-aasar ng isa.
“Huwag mo ngang sirain ang araw ko, mga pangit. Para kayong mga bugok na itlog. Layuan ninyo ako!” Nagpipigil pa ng sigaw si Silhouette. Makakatawag ng pansin sa mga estudyante kapag sumigaw siya.
“Abah, matapang ka na. Wala namang nagawa ‘yung mascot mo. Sino ba ‘yun?” Biglang dumating si Jude at sinabayan si Silhouette. Napahinto saglit si Ivan. “Ikaw ba ‘yung nakamaskara kahapon, to the rescue kay Silhouette.?”
“Tara na, Silhouette. Huwag mo na silang pansinin. Nasaan na ang skateboard mo?”
“Isa ka pa. Huwag mo nang tanungin kung hindi ka rin naman mapapakinabangan sa oras na kailangan ka. Tsss!” Nauna nang naglakad si Silhouette.
Nadala niya ang inis hanggang sa kantin. Oras na nang tanghalian ngunit wala rin siyang ganang kumain.
“Charlotte, mayaman kayo, ‘di ba?”
“Mayaman, maganda, matalino, ma…” Natigilan si Charlotte sa tanong ng kaibigan. “Don’t tell me you are still thinking about marrying a mafia boss.” Kakaiba ang ngiti ni Silhouette. “May nahanap ka na ba?”
“Where in the world could I find a Mafia in this twenty first century? Sa movie na lang yata sila nag-i-exist.”
“Actually…may kilala ako na makakatulong sa problema mo.”
“Is he a Mafia? Kahit hindi boss, underground, puwede na? Tell me. Ipakilala mo ako, please!” pagmamakaawa ni Silhouette.
“Kuya ko.”
“Tsss, seryoso ako rito, Charlotte. Akala ko naman matutulungan mo ako.”
“Seryoso! Sa tingin mo ba ang nagbibiro ako?” Iniligpit ni Silhouette ang kanyang pinagkainan at saka nagmamadaling tumayo.
“Saan ka pupunta? Silhouette! Silhouette!” Nagulat si Charlotte ng may biglang kumalabit sa kanya sa likuran.
“Sis, bakit ka ba sigaw ng sigaw?”
“Bakit angtagal mo? Umalis na tuloy si Silhouette.”
“Siya ba ang ipapakilala mo sa akin? I am just wasting my time here. Goodbye. May bagong project ako, Sis kaya kailangan ko nang umalis.”
“Kuya naman eh. You promised me.”
“Charlotte, tell your friend, hindi maganda ang plano niya. Don’t ever mess with a Mafia.”
Maagang umuwi si Silhouette. Kabilin-bilinan ng ina ay huwag magpapagabi. Delikado raw ang panahon ngayon. Inabutan niya sina Simon at Salome na nakatutok sa panunuod ng telebisyon. Nagmano siya sa kanyang mga magulang.
“God bless you, Anak. Kumain na kami. May pagkain sa mesa. Eat now and wash yourself. Huwag kang magpuyat.”
“Buti naman at umuwi ka nang maaga.”
"Patuloy ang serye ng pagdukot sa mga Kabataan dito sa Kamaynilaan. Ang mga biktima ay pawang anak ng mga negosyante at matataas na opisyal ng gobyerno. Wala pang malinaw na motibo. Hanggang ngayon ay wala pa ring lead ang mga awtoridad sa kung sino ang nasa likod ng sunud-sunod na krimen," seryosong pagbabalita ng news reporter.
“Hindi pa sinabi, tiwaling negosyante at mga opisyal ng gobyerno. No harm. Mabait ang tatay ko.”
"Pero nakakatakot pa rin, Iha. Lagi kang uuwi ng maaga.”
“Opo, Nay… Tay. Baka hindi pa ninyo ako tubusin kapag dinukot ako,” pabirong sabi niya. Tumayo siya at sinunod ang sinabi ng ina.
Kinabukasan ay mukhang good mood naman si Silhouette. Absent kasi si Ivan kaya wala ring magpapasimuno ng asaran sa loob ng klase. Tapos na ring tahiin ni Silhouette ang mga damit na dinisenyo niya at isasali sa rampa as their final output bago siya maka-graduate.
Pansamantala siyang dumistansya siya kay Charlotte. Gusto niyang mapag-isa. May panibago na naman siyang problema. Naghahanap siya ng modelo para sa kanyang men’s clothing. Sa halip na magmukmok ay umuwi na lang siya ng maaga.
“Hello, Nay!”
“Ano na naman ang problema ng aming mutya?” Halata sa kanyang nakasimangot na mukha. “Dumating ang ate mo.” Hindi siya umimik pero nagmamadaling tumakbo patungong lanai.
Mahigpit siyang yumakap sa taong nakaupo at nakatalikod. Pinupog niya ng halik ang pisngi nito habang humihingi ng sorry.
“Ate, sorry na! Huwag ka nang magalit akin. Don’t worry, sisiguraduhin kong maipagtatanggol ko na ang aking sarili. At huwag kang mag-alala, hahanap talaga ako ng mafia para ipa-haunting ang mga h*******k na ‘yon,” pabulong niyang sabi at humikbi ang dalaga sa balikat ng inaakala niyang ate.
“Silhouette!” Kumalas sa pagkakayakap ang babae sa labis na pagkagulat. Boses iyon ng kanyang ate.
“What?” Nagpahid kaagad siya ng luha.
“Ano’ng ginagawa mo?” tanong ng ina. Hawak nito ang tray ng merienda.
Nagtaka si Silhouette kaya humarap siya sa inaakala niyang ate. Napakunot-noo siya. “Ate?” Namilog ang kanyang mga mata at napatakip sa kanyang bibig. “Ate? What happen to you? Nagpa-plastic surgery ka ba? Noong isang araw lang nandito ka. Ambilis naman ng transformation mo.” Pinisil pa niya ang pisngi ng kausap.
“Ano bang pinagsasabi mo riyan? Bakit ngayon ka lang umuwi? Ganitong oras ba ‘yan umuuwi, Nanay? Delikado ang panahon ngayon,” sabi ni Seraphina.
Nagpalipas siya ng oras sa mall. Baka sakaling may isang lalaking papayag na maging model niya sa araw ng kanilang presentation.
Ibinaba ng ina ang merienda sa center-table. Hindi pa rin umiimik ang kanyang kausap.
“Sino siya?” Humalukipkip si Silhouette.
“Sandro, pasensiya ka na sa kapatid ko. By the way, siya si Silhouette. Linisin mo nga ang mukha mo. Puro lipstick,” patakbong umalis si Silhouette sa sobrang hiya.
“Napagkamalan yatang ako ikaw. Hayaan mo na,” matiyagang nilinis ni Sandro ang bakas ng mga lipstick sa kanyang mukha.
Saglit lang sina Seraphina at Sandro sa tahanan ng mga Balboa. Limang taon na rin siyang nagtatrabaho sa King’s Construction. Nagtaksi lang si Sandro pauwi matapos nilang pag-usapan ang kanilang bagong construction project. Huminto ang taksi sa isang madilim na kalye at hinintay ang kanyang sundo.
Pagkaupong-pagkaupo sa backseat ay ngumuso si Abra.
“Mukhang ibang proyekto ang inasikaso mo ah?”
“Ano bang pinagsasabi mo riyan? Tigilan mo nga ako at baka ka samain sa akin.” Muling ngumuso ang lalaki. Itinuro ang kuwelyo ng damit nito. Napailing si Sandro. “Ikuha mo na lang ako ng bagong damit.” May mantsa ng lipstick ang kanyang puting damit.
Napangiti si Sandro sa pangyayari.
Hindi makapaniwala si Seraphina sa pangyayaring iyon. Sino ang makakaisip na ipakidnap ang 5-months old niyang anak? Nanginginig sa takot si Silhouette na lapitan siya nito at sa pagkabigla sa balita ay sinampal niya ang kapatid.“Bakit mo iniwan ang bata ng ganoon lang, Silhouette?”“Ate, saglit na saglit lang naman ako. May kinuha lang ako. Pagbalik ko, wala na si Baby.”“Huwag na kayong mag-away. Tawagan mo si Sandro. Sabihin mo ang nangyari sa anak niya,” utos ni Salome.Iyon ang malaking problema. Halos limang buwan rin simula ng manganak siya ay hindi siya dinalaw ni Sandro kaya nagagalit ang mga magulang niya sa lalaki.“Ano bang nangyayari sa inyo ni Sandro? May problema ba? Bakit hindi niya kayo rito dinadalaw?” tanong ng ina. Pawang pananahimik lang ang kanyang isinukli.“Anong problema, Seraphina?” tanong ng ama. Mukha siyang seryoso habang nasa tabi ng babae ngunit wala siyang narinig na tugon mula sa anak.Matagal na siyang nakakatanggap siya ng mga anonymous message at
Pinanindigan ni Silhouette na ipaubaya si Sandro kay Seraphina. Saglit pa lang ang kanilang relasyon kung tutuusin. Walang matagalang ligawan pero naging sila kaagad ni Sandro. Ipinikit ni Silhouette ang kanyang mga mata ngunit tumulo pa rin ang luha niya. Hindi niya natitiyak kung kailan niya makakalimutan ang pait ng kanyang unang pag-ibig.Kinabukasan ay nagmamadali siyang nagtungo sa Sybils, isang kilalang dress shop both local and international. Sinikap niyang kunin kaagad ang trabaho kahit mababa ang offer sa kanya. Ipinangako niyang hindi na siya aasa sa kanyang ate. Samantalang sa opisina ng King’s Construction, tahimik na nakayuko si Seraphina. Napabuga ng hangin si Leo Shin at inihagis ang puting envelop na iniabot nito. Napahampas siyang bigla sa mesa sa labis na pagkadismaya.“What’s the meaning of this, Seraphina? Bakit ngayon pa? We have a big project!”“Sir Leo, hindi ko rin ginusto na umabot sa ganito. Pero may bagay akong kailangang harapin at hindi ko na maaaring i
“Hindi mo alam ang sinasabi mo Seraphina. Kaya kong panindigan kung sino ako. Hinuhusgahan mo na kaagad ang kapatid mo at kung paano ko siya mamahalin.”“Sandro, alam kong hindi ka seryoso sa kapatid ko. Napagkamalan ka lang siya and then what? Naging kayo na? Just because of a single kiss.” Natigilan si Sandro.“Have you been spying on us? And you are betraying your sister’s trust now.”“Hindi ko mapapayagan ang tulad mo sa pamilya namin.”“Then bakit ko kailangang panagutan ang dinadala mo? Think about your actions, Seraphina. Hindi mo pa ako kilala. Bakit mo ito ginagawa sa aming dalawa!”Tumalikod si Sandro at hindi na pumasok pa sa sala upang magpaliwanag kay Silhouette. Nakumpirma niyang may plano si Seraphina.Pumasok na sa loob ng sala si Seraphina. Nandoon at naghihintay sina Salome at Simon upang magpaliwanag sa kanyang mga sinabi. Tumulo ang luha ni Silhouette. Hindi na bumalik si Sandro matapos nilang mag-usap sa hardin.“Nasaan si Sandro?” tanong ni Silhouette.“Umuwi na
He sealed it with a kiss matapos niyang ilagay ang kuwintas sa leeg ni Silhouette. At wala ring pagsidlan ng tuwa ang dalaga sa mga pangyayari ng gabing iyon. Umapaw sa saya ang kanyang puso habang ikinukuwento ang mga pangarap niya sa buhay. Parang wala nang makakapigil sa kanya na sundin ang kanyang puso. Wala nang makakahadlang na harapin ang kanyang kinabukasan.“I’ll get inside now and… see you later!” Muling ginawaran ng halik ni Sandro ang babae sa noo. Yumakap naman ng mahigpit si Silhouette at saka pumasok sa loob ng unit.Napasandal si Silhouette sa likod ng pinto while holding her chest. Matindi ang tibok ng kanyang puso na para itong sasabog tulad ng first time nilang pagkikita matapos nilang mapagkamalan ang lalaki na kanyang ate.Humakbang siya patungong sala ngunit nakita niya ang anino ng babae na may hawak na wineglass.“Huh, Ate Seraphina? You’re still awake?”“Hinintay talaga kita.”“May mahalaga ba tayong pag-uusapan?”“Gaano kayo kaseryoso sa relasyon ninyong dala
He enjoyed Silhouette’s company and Charlotte never heard of Sandro complaining on errands. She is sure that his brother is in-love with Silhouette too. Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon ang kilos ng kanyang nakatatandang kapatid.“Are you sincere with my bestfriend?” nakapameywang na usisa ni Charlotte. Hindi naman umimik ang binata. “Hey, answer me!”“Bakit mo ba ako tinatanong? Kailangan mo pa ba akong kilatisin eh, kilala mo na ako.”“Huwag kang pa-fall kasi uutusan ko ang mga tauhan mo para ipabugbog ka.” Pinagbantaan niya ang kuya. Nakita ni Charlotte ang kakaibang ngiti ng kausap. “Kailangan ni Silhouette ng magtatanggol sa kanya. Lagi kasi siyang binu-bully ng grupo ni Ivan. Magtatapos na kami pero walang ipinagbago ang mga ugali nila.”“Hindi sila tunay na lalaki. Mga bahag ang buntot ng mga iyon. Huwag ka nang mag-alala. Everything has been taken cared of para sa aking mahal na mutya.”“How did you know that?” Tahimik lang ang lalaki sa kanyang tabi habang nasa backs
Hindi halos nakakain si Silhouette ng hapunan. Parang busog na busog ang kanyang puso habang nakikitang kumakain si Sandro sa tabi niya. Nai-imagine niya ang labi ng binata kung kasinglambot rin ba ito ng pork humba.“Silhouette, tititigan mo na lang ba si Sandro? Punum-puno pa ang plato mo. Ang mahuli ay maghuhugas ng plato.”“Ate naman, ikaw na lang kaya. Never ka pa namang naghugas ng plato.”“I will help you.” nahihiyang sabi ni Sandro.“Talaga! Omg, nakakahiya naman.” Hindi nagpaawat si Sandro pero ang siste, nag-jack en poy pa sila. Talo si Silhouette at siya pa rin ang naghugas ng plato. Pero hindi naman umalis si Sandro sa tabi niya.Hindi kayang itago ni Silhouette ang kanyang nararamdaman kay Sandro. The moment na nakita niya ang lalaki at napagtantong nagkamali siya ng kanyang hinahalikan at iniiyakan ay hulug na hulog ang loob niya rito. Hindi naman siya iniwasan ni Sandro. Ang limang taong agwat nila ay hindi naman lalabas na sobrang tanda ng lalaki sa kanya.Nagpapahangi