Home / Romance / ANG MUTYA NG HULING MAFIA / CHAPTER 1 : THE QUEST

Share

ANG MUTYA NG HULING MAFIA
ANG MUTYA NG HULING MAFIA
Author: Bb.Taklesa

CHAPTER 1 : THE QUEST

Author: Bb.Taklesa
last update Last Updated: 2025-05-29 11:40:52

Nasa rooftop ng Fashion Department sina Silhouette at Charlotte. Napansin ni Charlotte na malalim ang iniisip ng kanyang matalik na kaibigan. Kanina pa siyang nagsasalita ngunit wala palang nakikinig.

“Ano bang iniisip mo? Kanina ka pa. Mukha na akong baliw dito. Ano bang problema, Silhouette?”

Naalala niya kung paano siya i-bully ng grupo ni Ivan. Hawak ni Ivan ang kanyang skateboard.

“Ibalik mo sa akin ‘yan, Ivan!” umaalingangaw ang boses ng dalaga habang desperado siyang makuha ang skateboard sa binata.

“Bakit, ano’ng gagawin mo? Kaya mo na ba ako, Silhouette?”

Magaling na skateboarder si Ivan ngunit natalo siya ni Silhouette sa isang friendly match. Hindi iyon tinanggap ng lalaki. Iyon ang simula ng walang tigil nitong pambu-bully sa kanya.

Nagpaikut-ikot si Ivan gamit ang skateboard ni Silhouette.

“Lumaban ka ng patas, hindi ‘yung nagnananakaw ka!”

“Alam mo ba kung anong mas masakit, Silhouette? Makuha mo man ito, hindi mo na rin ito mapapakinabangan pa. “

“Isa kang talunan! Talunan!”

Nangilid ang kanyang luha at saka siya kinabahan. Naalala niya ang usapan nila ng kanyang ate Seraphina sa rooftop ng unibersidad, habang dala ang malaking kahon na iyon.

“Buksan mo. Regalo ko sa’yo” Abut-abot ang kaba ni Silhouette.

“Wow!” Nanlaki ang kanyang mga mata sa nakita. Ang long skateboard na matagal na niyang pangarap, matte silver with black and gold trimmings on the sides, may engraved initials pa niya sa ilalim.

“I know you love it. Ate mo ako eh!” mahinang tawa ni Seraphina at sumandal sa railings. “That’s how I love you, Silhouette.”

“Hindi ko alam kung paano kita pasasalamatan.” Niyakap niya ng mahigpit ang nakatatandang kapatid.

“Sa isang kondisyon…”

“Huh, kondisyon? What? Papayagan mo na ba akong maging professional skateboarder?”

“Ingatan mo iyan. Huwag mong iwawala,” seryosong sabi ni Seraphina.

Katahimikan ang namayani sa pagitan nila, alam ni Silhouette na hindi lang ito tungkol sa skateboard. Hindi basta-basta magbibigay ng regalo ang kanyang ate ng walang hinihinging kapalit. Natitiyak niyang darating ang araw ng paniningil.

“What’s it like to marry a Mafia Boss?”

“Wake up, Silhouette. Ano bang klaseng pangarap ‘yan. Delikado yata ang naiisip mo. Erase! Erase! Erase!”

“Graduating na tayo and Ivan kept messing up with me. Sa tingin ko, kung meron akong asawa na matapang at makapangyarihan, wala nang magtatangkang saktan ako. Okay lang kahit mapaligiran ako ng maraming bodyguard.”

“Listen to me, Silhouette, hindi mo kailangan ng Mafia para protektahan ka. May pamilya at kaibigan ka naman na handang ipaglaban ka. Nandito ako!” Pumuwesto ang matalik na kaibigan na parang mangangarate. “Mag-boyfriend ka muna. Puro asawa ang iniisip mo.”

“Pero alam ko rin na may isang taong darating na parang anghel, hindi matatakot na ipagtanggol ako kaninuman.”

Susugod na sana si Silhouette ng sumulpot sa harapan niya ang isang misteryosong lalaki dala ang isang mahabang payong.

“Ibalik mo iyan sa kanya!” Nagpahinto ang lahat at nagkatinginan sa isa’t isa.

Isang lalaking naka-trench coat, matangkad, nakamaskara at naka-formal black shoes. Malakas ang loob niya kahit mag-isa lang siya.

“Hoy, Silhouette. Saan mo nakuha ang upahang mascot mo? Malaki ba ang bayad mo rito?”

“Ibalik mo na iyan bago ka pa masaktan.”

“Ibalik ba ang sabi mo? Heto na!”

Itinaas ni Ivan ang skateboard ngunit hinati niya ito sa kanyang tuhod saka ibinagsak sa sahig. Isa- isang umatras ang mga kalalakihan at nagmamadaling umalis. Kapwa nagulat si Silhouette at ang estranghero sa nangyari.

“Sino ka? Bakit kailangan kang makialam? Tingnan mo ang nangyari! Salamat sa grand entrance mo!” gigil na gigil na sabi ni Silhouette habang hawak ang sirang skateboard.

“Then help yourself next time.” bulong sa kanya ng lalaki. Napapikit bigla ang dalaga.

Lulugo-lugong umuwi si Silhouette sa kanila. Tumulo ang kanyang luha habang daan. Nag-o-overthink na siya kung paano niya ipapaliwanag ang lahat. Maliwanag pa ang kanilang bakuran, tamang-tama lang ang kanyang dating para sa kanilang hapunan.

“Late ka?” sabay bukas ng ilaw.

“May inasikaso lang ako sa school.” Gustong umiwas ni Silhouette sa kanyang ate. Tiyak niyang sesermunan siya nito.

Ibinaba ni Seraphina ang baso ng alak sa center table at hinarap ang nakababatang kapatid.

“Huwag ko lang malalaman na lihim kang nakikipag-date, Silhouette.” Mahigpit niya itong hinawakan sa kanyang siko.

“I don’t have a boyfriend. I was late because of this…” Ipinakita kay Seraphina ang sirang skateboard. “I am sorry.”

Matagal na niyang sinabi sa kapatid ang bullying incidents sa kanya.

“Hindi pa tapos ang thesis ko, Silhouette. Ano bang ginawa mo at binu-bully ka niya?”

“Please naman, Ate.”

“Not today, Silhouette. Maging matapang ka na lang. Matuto kang lumaban.”

Iyon ang tandang-tandang niyang sabi nito sa kanya.

“Nandiyan ka na pala, Silhouette. Sabay-sabay na tayong kumain. Umuwi ang ate mo. Masarap ang pagkaing dala niya.” Hinila na siya ng kanyang ina.

Tahimik siyang umupo pero halata ng ama ang kakaibang lungkot sa mata ng kanyang bunso.

“Something happened today?”

“Huwag na po nating pag-usapan. Wala namang mangyayari. Hindi naman natin kayang lumaban.”

“Anak, hindi naman paglaban ng marahas ang solusyon. May paraan para ipagtanggol ang sarili.”

“Hindi na po ako umaasa kahit kaninuman na may magtatanggol para sa akin.”

“Hay naku, Silhouette. Sasabihin mo na naman, mag-aasawa ka ng Mafia boss para may magtanggol sa iyo.” Napailing si Seraphina.

“If Mafia boss still exists nowadays, why not?”

“Alam mo, Silhouette, ang mahalaga ay makahanap ka ng taong tunay na magmamahal sa iyo at hindi lang dahil kaya kang ipagtanggol.”

“Hindi mo kailangang hanapin ang proteksyon sa iba, mahal ka namin, Iha.”

“Salamat po, Nay…Tay…”

Lumaki si Silhouette sa tahanang puno ng pagmamahalan at nakita niya kung paano sila protektahan ng ama bago pa ito matali sa wheelchair. Handa niyang isakripisyo ang lahat para sa kanilang kaligtasan. Hindi niya alam kung may tao bang tulad niya na gagawa ng ganoon para sa kanya.

Malaki ang agwat nila ni Seraphina kaya ito ang overprotective sa kanya. Sa paglipas ng panahon, nakita niya ang malaking pagbabago sa pagitan nila.

“Kung hindi dahil sa iyo, hindi malulumpo si Tatay.”

Kinuha ni Silhouette ang diary at nagsulat muna roon bago natulog.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • ANG MUTYA NG HULING MAFIA   CHAPTER 10: THE KIDNAP

    Hindi makapaniwala si Seraphina sa pangyayaring iyon. Sino ang makakaisip na ipakidnap ang 5-months old niyang anak? Nanginginig sa takot si Silhouette na lapitan siya nito at sa pagkabigla sa balita ay sinampal niya ang kapatid.“Bakit mo iniwan ang bata ng ganoon lang, Silhouette?”“Ate, saglit na saglit lang naman ako. May kinuha lang ako. Pagbalik ko, wala na si Baby.”“Huwag na kayong mag-away. Tawagan mo si Sandro. Sabihin mo ang nangyari sa anak niya,” utos ni Salome.Iyon ang malaking problema. Halos limang buwan rin simula ng manganak siya ay hindi siya dinalaw ni Sandro kaya nagagalit ang mga magulang niya sa lalaki.“Ano bang nangyayari sa inyo ni Sandro? May problema ba? Bakit hindi niya kayo rito dinadalaw?” tanong ng ina. Pawang pananahimik lang ang kanyang isinukli.“Anong problema, Seraphina?” tanong ng ama. Mukha siyang seryoso habang nasa tabi ng babae ngunit wala siyang narinig na tugon mula sa anak.Matagal na siyang nakakatanggap siya ng mga anonymous message at

  • ANG MUTYA NG HULING MAFIA   CHAPTER 9: THE SILENCE

    Pinanindigan ni Silhouette na ipaubaya si Sandro kay Seraphina. Saglit pa lang ang kanilang relasyon kung tutuusin. Walang matagalang ligawan pero naging sila kaagad ni Sandro. Ipinikit ni Silhouette ang kanyang mga mata ngunit tumulo pa rin ang luha niya. Hindi niya natitiyak kung kailan niya makakalimutan ang pait ng kanyang unang pag-ibig.Kinabukasan ay nagmamadali siyang nagtungo sa Sybils, isang kilalang dress shop both local and international. Sinikap niyang kunin kaagad ang trabaho kahit mababa ang offer sa kanya. Ipinangako niyang hindi na siya aasa sa kanyang ate. Samantalang sa opisina ng King’s Construction, tahimik na nakayuko si Seraphina. Napabuga ng hangin si Leo Shin at inihagis ang puting envelop na iniabot nito. Napahampas siyang bigla sa mesa sa labis na pagkadismaya.“What’s the meaning of this, Seraphina? Bakit ngayon pa? We have a big project!”“Sir Leo, hindi ko rin ginusto na umabot sa ganito. Pero may bagay akong kailangang harapin at hindi ko na maaaring i

  • ANG MUTYA NG HULING MAFIA   CHAPTER 8: THE IMPULSE

    “Hindi mo alam ang sinasabi mo Seraphina. Kaya kong panindigan kung sino ako. Hinuhusgahan mo na kaagad ang kapatid mo at kung paano ko siya mamahalin.”“Sandro, alam kong hindi ka seryoso sa kapatid ko. Napagkamalan ka lang siya and then what? Naging kayo na? Just because of a single kiss.” Natigilan si Sandro.“Have you been spying on us? And you are betraying your sister’s trust now.”“Hindi ko mapapayagan ang tulad mo sa pamilya namin.”“Then bakit ko kailangang panagutan ang dinadala mo? Think about your actions, Seraphina. Hindi mo pa ako kilala. Bakit mo ito ginagawa sa aming dalawa!”Tumalikod si Sandro at hindi na pumasok pa sa sala upang magpaliwanag kay Silhouette. Nakumpirma niyang may plano si Seraphina.Pumasok na sa loob ng sala si Seraphina. Nandoon at naghihintay sina Salome at Simon upang magpaliwanag sa kanyang mga sinabi. Tumulo ang luha ni Silhouette. Hindi na bumalik si Sandro matapos nilang mag-usap sa hardin.“Nasaan si Sandro?” tanong ni Silhouette.“Umuwi na

  • ANG MUTYA NG HULING MAFIA   CHAPTER 7: THE DANGER

    He sealed it with a kiss matapos niyang ilagay ang kuwintas sa leeg ni Silhouette. At wala ring pagsidlan ng tuwa ang dalaga sa mga pangyayari ng gabing iyon. Umapaw sa saya ang kanyang puso habang ikinukuwento ang mga pangarap niya sa buhay. Parang wala nang makakapigil sa kanya na sundin ang kanyang puso. Wala nang makakahadlang na harapin ang kanyang kinabukasan.“I’ll get inside now and… see you later!” Muling ginawaran ng halik ni Sandro ang babae sa noo. Yumakap naman ng mahigpit si Silhouette at saka pumasok sa loob ng unit.Napasandal si Silhouette sa likod ng pinto while holding her chest. Matindi ang tibok ng kanyang puso na para itong sasabog tulad ng first time nilang pagkikita matapos nilang mapagkamalan ang lalaki na kanyang ate.Humakbang siya patungong sala ngunit nakita niya ang anino ng babae na may hawak na wineglass.“Huh, Ate Seraphina? You’re still awake?”“Hinintay talaga kita.”“May mahalaga ba tayong pag-uusapan?”“Gaano kayo kaseryoso sa relasyon ninyong dala

  • ANG MUTYA NG HULING MAFIA   CHAPTER 6: THE LIFE

    He enjoyed Silhouette’s company and Charlotte never heard of Sandro complaining on errands. She is sure that his brother is in-love with Silhouette too. Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon ang kilos ng kanyang nakatatandang kapatid.“Are you sincere with my bestfriend?” nakapameywang na usisa ni Charlotte. Hindi naman umimik ang binata. “Hey, answer me!”“Bakit mo ba ako tinatanong? Kailangan mo pa ba akong kilatisin eh, kilala mo na ako.”“Huwag kang pa-fall kasi uutusan ko ang mga tauhan mo para ipabugbog ka.” Pinagbantaan niya ang kuya. Nakita ni Charlotte ang kakaibang ngiti ng kausap. “Kailangan ni Silhouette ng magtatanggol sa kanya. Lagi kasi siyang binu-bully ng grupo ni Ivan. Magtatapos na kami pero walang ipinagbago ang mga ugali nila.”“Hindi sila tunay na lalaki. Mga bahag ang buntot ng mga iyon. Huwag ka nang mag-alala. Everything has been taken cared of para sa aking mahal na mutya.”“How did you know that?” Tahimik lang ang lalaki sa kanyang tabi habang nasa backs

  • ANG MUTYA NG HULING MAFIA   CHAPTER 5 : THE LOVE

    Hindi halos nakakain si Silhouette ng hapunan. Parang busog na busog ang kanyang puso habang nakikitang kumakain si Sandro sa tabi niya. Nai-imagine niya ang labi ng binata kung kasinglambot rin ba ito ng pork humba.“Silhouette, tititigan mo na lang ba si Sandro? Punum-puno pa ang plato mo. Ang mahuli ay maghuhugas ng plato.”“Ate naman, ikaw na lang kaya. Never ka pa namang naghugas ng plato.”“I will help you.” nahihiyang sabi ni Sandro.“Talaga! Omg, nakakahiya naman.” Hindi nagpaawat si Sandro pero ang siste, nag-jack en poy pa sila. Talo si Silhouette at siya pa rin ang naghugas ng plato. Pero hindi naman umalis si Sandro sa tabi niya.Hindi kayang itago ni Silhouette ang kanyang nararamdaman kay Sandro. The moment na nakita niya ang lalaki at napagtantong nagkamali siya ng kanyang hinahalikan at iniiyakan ay hulug na hulog ang loob niya rito. Hindi naman siya iniwasan ni Sandro. Ang limang taong agwat nila ay hindi naman lalabas na sobrang tanda ng lalaki sa kanya.Nagpapahangi

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status