CHAPTER 22 Cabin Garden Area Nasa garden area ulit kami ng cabin—yung part na paborito ng kambal pag late afternoon. Mahangin, tahimik, at maaliwalas.. Nauna si Sir Lorenzo dito. Wala pa ‘yung barkada niya, kaya kami lang dalawa… Ako sa bench habang nilalaro si Lian, siya naman—nakaupo sa sofa sa tapat ko. Tahimik. Pero ramdam na ramdam ko ang mga tingin niya. Kakauwi lang niya kahapon galing ibang bansa. Wala pang 24 hours ata… pero heto na siya, Parang ako ini-inspect ng immigration sa tingin nya.. Napakagat ako sa labi. Mayaman siya. Busy. Matalino. Mysterious. Pero kung trip lang, baka barya lang sa kanya ang pamasahe ng airplane. Apat na araw lang siya sa New Zealand, tapos bigla nalang bumalik. Para saan?Bigla akong natauhan sa tanong ko. ‘Wag assuming, Mhiya. Para kambal nya.. Napalingon ako nang marinig ang tawa ni Sir Miguel mula sa gate. Sunod-sunod nang nagsidatingan ang t Kaibigan —Sir Miguel, Sir Jordan, at Sir Carlo. Ang ingay nila. Ang
Last Updated : 2025-07-20 Read more