Tahimik ang bahay nang gabing iyon. Nakahiga si Alexis sa sofa, hawak ang isang unan habang pinipilit labanan ang antok. Sa totoo lang, ilang araw na rin siyang parang laging pagod, madaling uminit ang ulo, at kung minsan ay bigla na lang nasusuka. Sa umpisa, inisip niyang baka dahil lang sa sobrang trabaho at pagod mula sa bakasyon nila. Pero habang tumatagal, ramdam niyang may kakaiba. “Lex,” tawag ni Ralph mula sa dining table, kung saan nakabukas pa ang laptop niya. “Kanina ka pa tahimik. Are you okay?” Ngumiti siya, pilit. “Oo naman. Siguro kulang lang sa tulog.” Tumayo si Ralph at lumapit, naupo sa tabi niya. Hinaplos nito ang buhok niya, kita ang pag-aalala sa mga mata. “Hindi lang ito kulang sa tulog. Ilang beses na kitang nakikitang biglang namumutla. Kanina nga, muntik ka nang mahulog sa hagdan.” Pinilit ni Alexis na magbiro. “Clumsy lang ako, alam mo naman.” Bago pa siya makasagot, may sumulpot na maliit na tinig. “Mommy, bakit lagi kang natutulog? Baka may baby ka sa
Last Updated : 2025-08-22 Read more