Sa isang Sabado ng hapon, bumungad si Ayesha sa sala habang bitbit ang isang makapal na folder na punô ng papel, mga kartolina, at ilang art supplies. Kita sa mukha niya ang parehong excitement at kaba.“Mommy, Daddy,” tawag niya habang inilalapag ang dala sa mesa, “kailangan ko ng tulong. Big project namin ‘to sa school—kailangan gumawa ng isang miniature model ng sustainable community. May deadline kami next week.”Napatingin si Alexis kay Ralph na noon ay nagbabasa ng dokumento mula sa opisina. Pareho silang natigilan at napatingin kay Ayesha.“Sustainable community?” ulit ni Ralph, inilapag ang hawak. “Wow, parang malaki-laking trabaho ‘yan ah.”“Exactly,” sabat ni Alexis, bahagyang natawa. “Pero anak, don’t worry, tutulungan ka namin. Kaya natin ‘yan.”Nagliwanag ang mga mata ni Ayesha at agad niyang niyakap ang dalawa. “Talaga? Teamwork tayo!”Kinabukasan, inayos nila ang dining table at ginawang improvised workspace. May nakalatag na glue sticks, gunting, recycled boxes, paints
Last Updated : 2025-08-17 Read more