Hindi inaasahan ni Alexis na magsisimula ang araw na iyon sa isang bagay na kinakatakutan nyaMaaga pa lang, napansin na niya na iba ang kilos ni Ayesha. Tahimik ito sa hapag, hindi tulad ng dati na may kwento agad tungkol sa school o kung anong napanuod niya. Nakayuko lang, tinutulak-tulak ang pagkain.“Ate, you should finish your food” ani Ayanna, nakasandal sa silya, habang abala sa sarili niyang pagkain.“Busog na ako,” mahinang sagot ni Ayesha.Nagkatinginan sina Alexis at Ralph. Hindi normal.“Ate, may sakit ka ba?” malumanay na tanong ni Alexis, sabay abot ng kamay sa noo ng anak.Mainit. Inaqpoy ito ng lagnat.“Ralph…” bulong niya, agad nag-aalala.Tumayo si Ralph, lumapit, at hinawakan din ang noo ni Ayesha. “May lagnat ka na, anak.”“Okay lang ako,” pilit ni Ayesha, pero halatang nanghihina na ang boses.Hindi na nag-aksaya ng oras si Alexis. “Hindi. Magpapahinga ka. Walang school today.”Akala nila simpleng lagnat lang.Pero pagsapit ng tanghali, umakyat ang temperatura ni
อ่านเพิ่มเติม