Maririnig ang mga munting hikbi ng sanggol na pinapasuso ni Alexis. Nakaupo siya sa gilid ng kama, pero ang katawan niya ay parang may hinahabol na lakas na matagal nang naubos. Hindi niya na maalala kung kailan siya huling nakatulog ng maayos. Lumapit si Ralph, may bitbit na tray ng pagkain — mainit na sabaw, tinapay, at tubig. “Love, kahit kaunti lang,” pakiusap ni Ralph habang inilalapag ang tray. “Kailangan mo rin ng lakas.” Hindi siya tiningnan ni Alexis. “Wala akong gana, Ralph… Mas gusto kong matulog. Pero kahit tulog ako, parang pagod pa rin ako.” Umupo si Ralph sa tabi niya at marahang hinagod ang likod niya. “Normal ‘yan, love. Pero hindi ibig sabihin, kailangan mong tiisin mag-isa.” Kinagabihan, muling sumiklab ang pagod sa katawan ni Alexis. Ala-una na ng madaling araw, umiiyak ang baby habang pilit niya itong inaalo. Pero parang wala na siyang enerhiya. Ang mga mata niya ay punong-puno ng luha habang dinuduyan ang anak. Dumating si Ralph, gising pa rin, agad na kinuha
Terakhir Diperbarui : 2025-06-13 Baca selengkapnya