Magkaakbay silang naglalakad, hawak ni Alexis ang printed ultrasound image. Pumunta sila sa pinakamalapit na café para ipagdiwang ang moment na ito — simpleng brunch, pero punong-puno ng saya. “Alam mo, kung bibigyan ako ng pagkakataong bumalik sa umpisa… pipiliin ko pa rin ‘yung araw na napilitan tayong magpanggap. Dahil ‘yun ang daan papunta sa totoo.” “Napilitan lang pala, ha?” “Ngayon, kusa na. At mamahalin ko kayo araw-araw. Hindi na kailangan ng script.” After ultrasound, bumalik uli sila sa doctor para sa second trimester ng pagbubuntis ni Alexis. Ngayon ay kita na ang baby bump ni Alexis, at mas kampante na siyang humiga sa examination bed. Pero si Ralph—mas excited pa rin kaysa sa ina. “Let’s see… at this stage, baka makita na natin ang gender, ha.” ani ng doctor. “Gusto mong malaman ngayon?” “Kung kaya na… sige. Pero surprise tayo pareho, ha?” “Okay. I’ll write it down sa envelope. Pwede niyong buksan kung kailan niyo gusto.” ani doctor. Lumabas sila ng clinic na ma
Terakhir Diperbarui : 2025-06-12 Baca selengkapnya