Marami pang natutuklasan si Ralph kay Alexis. Dalawang taon na rin silang mag asawa subalit araw araw mas marami pang nalalaman si Ralph.Napagpasyahan niyang sa ilang araw na muling pagkakasama niya, nais niyang muling pakiligin ang asawa.Matapos ihatid ni Ralph si Alexis sa training niya para sa elite make-up brand internship, may inabot itong maliit na card sa kanya.“Open it later. Promise me, ha,” nakangiti niyang sabi habang tinutulungan si Alexis magsuot ng jacket.Pagkauwi ni Alexis sa dorm, agad niyang binuksan ang card.“First official date?Friday, 7 PM. I’ll pick you up. Wear something you feel beautiful in — because to me, you always are.”— Your not-so-secret admirer, R.”Napangiti si Alexis. First date? Ngayon pa? Pero ang kilig ay hindi na niya maitago pa. Sa gitna ng schedules at pangarap, heto ang lalaking nagpaparamdam na hindi pa huli ang lahat para simulan muli — nang mas totoo.Dumating ang gabi ng kanilang “unang date.” Paglabas ni Alexis ng dorm, may nakita siy
Hindi na maipagkakaila ang pagkasabik ng bawat isa sa isa't isa. Hindi pa man sila nakaaakyat ng hagdan sa dorm ni Alexis, ramdam na ang bumibigat na tensyon. Hindi tensyon ng away, kundi ng matinding pananabik. Buong araw silang magkasama mula nang dumating si Ralph, ngunit ngayong gabi, silang dalawa na lang—wala nang ingay, wala nang ibang tao. Tanging ang tibok ng puso at pilit na pinipigilang paghinga ang maiiwang musika sa gabi. Pagpasok nila sa loob ng maliit na kwarto ni Alexis, tumigil sila saglit sa pinto. Nagtitigan. Walang salita. Parang pareho silang nag-aalangan kung sino ang unang gagalaw. “Dito pa rin pala ang amoy ng room freshener mo,” bulong ni Ralph, pilit binibreak ang tension. Ngumiti si Alexis, pero halatang kinikilig. “Alam mong hindi ko kaya ang amoy ng bagong pintura.” “Alam ko,” sabay lapit ni Ralph at marahang itinabi ang buhok niya. “Alam ko lahat.” Tumigil si Alexis. Tumitig kay Ralph ng matagal, malalim, parang binabasa ang intensyon nito. At sa mg
Matapos ang ilang araw na tampuhan at cold treatments. Nagkabati rin ang mag asawa. Nagpadala si Ralph ng surprise: isang delivery ng French-style breakfast sa dorm ni Alexis — may note: “Para sa babaeng lumalaban araw-araw, kahit hindi ko palaging nasasabi: I see you. I admire you. And I love you.” Tumawag agad si Alexis. “Okay ka lang?” pabirong tanong niya. “Okay na. Kasi nakausap na kita ulit.” Hindi maitago ni Alexis ang saya sa manining na mga mata at malawak na ngiti. Sa mga sandaling iyon, kahit may layo sa kanilang pagitam, kahit may tampuhan, muling bumalik ang tibok ng puso ng isang relasyong lumalaban at unti unting natutunan ang pag unawa sa bawat isa. Mabilis na lumipas ang mga araw hanggang sa nalalapit ng matapos ang 1 taong internship ni Alexis. Mula sa malamig na hatinggabi ng Paris, tila lalong lumamig ang paligid sa puso ni Alexis sa tuwing matatapos na ang video calls nila ni Ralph. Iba pa rin ang haplos ng kamay, ang yakap sa gabi, ang totoong pres
Sa departure area, yakap-yakap ni Alexis ang anak nilang si Ayesha. Si Ralph naman, nakaakbay habang bitbit ang dalang carry-on bag.“Call me lagi, ha?” bilin ni Alexis, kinukurot ang pisngi ni baby. “Sabihin mo kay Daddy, magbawas ng cake. Fruits lang, okay?”“Promise,” natawa si Ralph. “Pero kung manggang hilaw yan, exempted.”Tumingin si Alexis sa asawa. “Thank you… for letting me go.”“Thank you… for promising to come back.”Isang halik sa labi. Isang masayang iyak. Isang pangakong kahit magkahiwalay ng ilang buwan, puso nila’y sabay pa ring titibok.Tatlong linggo pa lang mula nang lumipad si Alexis patungong Paris para sa kanyang training fashion masterclass, pero pakiramdam ni Ralph ay tatlong buwan na ang lumipas. Wala si Alexis tuwing gabi — walang mga kalabit sa kama, walang tawanan sa kusina, at walang halik tuwing umaga.Sa kabilang panig ng mundo, hindi rin madali ang pinagdadaanan ni Alexis. Habang kinikilala siya ng mga international mentors, habang tinutupad niya ang p
Matapos makapag-adjust sa pagiging ina, unti-unti nang bumabalik si Alexis sa mundo ng fashion. Maayos naman ang pagbabalance niya ng work and life bilang new mom.Maaliwalas ang umagang iyon sa bahay nina Alexis at Ralph. Tahimik si Alexis habang pinapakain ang baby nila, pero ang utak niya ay magulo. Sa loob ng messenger app ng kanyang tablet, isang email ang paulit-ulit niyang binabasa.“We’re impressed with your work. We’d like to offer you a one-year exclusive creative residency in Paris. Full accommodation and stipend included. Kindly confirm your availability.”Pinangarap niya ito noon pa. Ngunit ngayon, hindi na siya ang dating Alexis. Isa na siyang ina. May asawa na. At kahit pa walang pormal na proposal, alam niyang mahal siya ni Ralph. At mahal niya ito. Pero bakit parang may kumikirot sa dibdib niya sa tuwing naiisip na kailangan niyang talikuran ang pangarap na iyon?“Anong iniisip mo?” tanong ni Ralph habang papalapit, may dalang tasa ng kape.Agad niyang nilock ang scre
Maaga pa lang ay abala na si Alexis sa paghahanda ng breakfast. Simpleng oatmeal at sliced fruits, gaya ng napagkasunduan nilang healthy routine. Si Ralph naman, habang buhat ang anak nilang si Baby Ayesha, nakangiting sumulyap sa asawa. Tahimik at masaya ang umaga. Hanggang sa tumunog ang cellphone ni Ralph. “Unknown Number.” “Love, sagutin mo muna ’yan, baka emergency,” ani Alexis habang sinusubuan si Ayesha ng mashed banana. Ralph humugot ng hininga at sinagot ang tawag. “Hello?” “Ralph… anak, ako ‘to. Si Mama Lisa.” sabi ng tinig sa kabilang linya. Napabalikwas si Ralph. Si Mama Lisa—ina ni Julio. Ang taong matagal nang hindi niya nakausap. Ang taong halos itinuring na rin niyang ina. “Pasensya ka na kung ngayon lang ako tumawag. Alam kong matagal na tayong walang ugnayan… Pero, kailangan kita.” Kumunot ang noo ni Ralph. Pinagmasdan niya si Alexis, abala pa rin sa anak nila. Ayaw niyang marinig ng asawa ang tawag na ito, lalo pa’t si Julio ang pinag-uusapan. “A