Gianna's POV"Jusko naman. Sobrang bigat naman nito," reklamo ni Gael habang bitbit ang maleta na puno ng mga ginamit naming damit. Nakauwi na kami ngayon at pagod na pagod kaming lahat sa byahe. "Pakilagay na lang sa taas," utos ko at inikutan na lang nito ako ng mata bago sinunod ang sinabi ko. "Meila, Kalix pumasok na kayo," tawag ko sa mga bata. Napalingon ako sa kanila na nagtatawanan. Nakita ko silang bitbit ang mga maliliit nilang bag habang kausap si Francis na may bitbit ring malalaking bag."Daddy, dito kana ba ulit?" Masiglang tanong ni Meila. Napalingon naman sa akin si Francis kaya umiwas ako ng tingin. "Ewan ko sa Mommy nyo," bulong nya pero narinig ko naman. Tumikhim ako at lumapit para kunin kay Francis ang dala nito. Kasi mga gamit ko naman talaga ito. "Ako na. Thank you, pwede ka ng umalis," sabi ko pero inilayo nya sa akin ang dalawang bag. "No, thank you. Kaya ko na. Let's go babies." Parang hindi nya narinig ang sinabi ko dahil hindi nya ako pinansin at nagtuloy
Huling Na-update : 2025-09-13 Magbasa pa