Gianna's POVNakatayo ako sa harapan ng simbahan at nakasuot ng wedding dress at may hawak na pulang rosas. Hindi ko alam kung bakit ako nandito dahil nadatnan ko na lang ang sarili ko sa ganitong sitwasyon. Umangat ang tingin ko nang marinig ang pamilyar na tunog sa loob ng simbahan at bumukas ito sa harapan ko.Walang tao, walang laman ang simbahan at tanging si Francis lang na nakatayo sa harapan ng altar ang nakikita ko. At bigla na lamang naglakad ang mga paa ko papasok na para bang may komokontrol dito. Hindi ko mapigilan ang mga paa ko habang dahan-dahang naglalakad papunta sa altar kung saan naghihintay si Francis.Nakangiti ito sa akin at may luha pa sa mga mata. Napangiti rin ako. Hindi ko alam ang mangyayari pero masaya ako dahil pinangarap ko ito, ang ikasal sa lalakeng mahal na mahal ko. "Stop the wedding!" Natigilan ako at napalingon dahil may biglang sumigaw sa may pintuan. Paglingon ko ay nagulat ako at napaatras sa takot dahil si Rachelle 'yon na may hawak na baril
Last Updated : 2025-10-05 Read more