Umuwi ako ng bahay nang makita ang text ni Francis na papauwi na raw ito. Nagpaalam na ako kay Jezrel at umalis. Medyo tinamaan ako ng kaunti dahil sa alak na ininom ko pero nakapag-drive pa rin ako pauwi. Pagbaba ko ng sasakyan at nakita ko na ka agad ang naka-park na sasakyan ng asawa ko kaya napangiti ako at nagmadaling pumasok ng bahay. Lumawak pa ang ngiti ko ng makita itong nakikipaglaro sa anak namin. "Mommy's home," ani ko para mapunta sa akin ang atensyon nilang dalawa. "Where have you been, Hon," tanong ng asawa ko sa akin sabay tumayo at sinalubong ako ng matamis na halik sa labi. "May inasikaso lang, Hon," pagdadahilan ko at tumabi sa mag-ama ko."What are you two doing? Meila, ok naba ang pakiramdam mo, Darling?"Ngumiti ito sa akin sabay tango. "Yes , po! Inalagaan po kasi ako ng mabuti ng mga teacher ko sa school," Masaya nyang ani. Pero natigilan ako at napatingin kay Francis na nagpupulot ng mga blocks sa sahig na pinaglakaruan nilang dalawa."Be good to your teache
Terakhir Diperbarui : 2025-07-28 Baca selengkapnya