Gianna's POVIlang buwan pa nga ang nakalipas hanggang sa malapit na ang araw nang pagluluwal ko sa anak kuong kambal. Halos bibilangin na lang ang araw sa kalendaryo bago ang araw na iyon. Inaamin kong may kaba sa dibdib ko kapag sumapit na ang araw na iyon pero namumutawi pa rin ang excitement. Magiging nanay na ako ng mga anak ko. Napangiti ako tuwing iisipin ko iyon. Mabuti na lang at healthy si baby at wala akong problemang nararamdaman habang nasa loob pa sila ng tyan ko. "Baby, magwo-work muna si Daddy, ok? 'Wag muna kayong pasaway sa Mommy," ani ni Francis na kausap ang malaki ko ng tyan. Hinimas nya ito at hinalikan tsaka tumayo at hinalikan rin ang noo ko. "I love you," abi nya tsaka hinalikan ang labi ko. "Aalis na ako," paalam nya at tango na may ngiti na lamang ang sinagot ko. "Manang?" tawag ko sa katulong namin nang maka-alis na si Francis. Ka agad naman itong nagmadaling lumapit sa akin galing sa kusina. "May kailangan po ba kayo, Ma'am Gianna" tanong nito. "Tulung
Terakhir Diperbarui : 2025-07-16 Baca selengkapnya