Pagpasok ko sa ER ng ospital, ramdam ko agad ang energy ng lugar.Hindi ito ’yung ordinaryong abala. Iba ’to—yung klaseng pagod na kahit bago pa lang ang shift mo, parang kalahati na agad ng lakas mo ang naubos. Mga pasyenteng kaliwa’t kanan, intern na umiiyak sa sulok, at isang bagong chart na may red alert na nakapatong na agad sa desk.“Celeste,” tawag ni Chief Nurse Alano, habang may hawak na tablet. “Room 2, incoming trauma case. Multiple injuries. Ikaw ang mag-aasikaso, kasama si Dr. Torres.”Tumango ako agad. “Copy.”Sanay na ako sa ganitong tempo. Kahit buntis ako, hindi ko ginagamit ’yon bilang excuse para magpahinga. Alam ng buong floor na hangga’t kaya ko, kaya ko. At ngayong araw na ’to, ayokong maging ibang tao.Nakahanda na ang trauma bay pagdating ng pasyente. Male, 30s, motorcycle crash. Multiple fractures. Blood loss.“BP’s dropping!” sigaw ng isa sa mga resident.“Get me O neg, now!” sigaw ni Dr. Torres. “Celeste, vitals monitor, stat!”Tumakbo ako, kinuha ang readin
Last Updated : 2025-06-13 Read more