Mabilis ang takbo ko papunta sa Room 6 nang marinig ko sa PA system:“Code White, Room 6. Immediate response required.”Alam ng lahat sa ospital—’pag sinabing Code White, may pasyente na nagka-psychological emergency. Either violent behavior, aggressive episode, or sudden mental breakdown. Kadalasang may risk sa sarili niya o sa staff.Tumakbo rin si Jessa mula sa kabilang hallway, may hawak na med cart.“Pedia patient daw, post-surgery. Biglang nagwawala.”Pagpasok namin sa kwarto, nag-uunahan ang hininga ko at ang kaba. Isang batang lalaki, mga siyam na taong gulang, nakapiring ang mga mata at sumisigaw habang hinahampas ang kama. Dalawang nurse ang pilit siyang pinapakalma—si Celine at si Alvin, parehong interns na nasa rotation ko.“Wag mo akong hawakan! Ayoko dito! Ayoko na!”“Celine, hawak sa balikat. Alvin, pakikuha ng 2.5 lorazepam IM sa tray,” utos ko agad, siniguradong firm pero hindi hysterical ang boses ko.“Already drawing,” sagot ni Alvin, nanginginig ang kamay pero mabi
Huling Na-update : 2025-06-16 Magbasa pa