Samantha's POVPanay ang pagtulo ng luha ko habang lulan ako ng SUV van kung saan ako isinakay ni Karlo.Wala akong ibang maramdaman sa mga sandaling iyon kundi inis at pighati. Inis dahil sa pagta-traydor niya sa akin at pighati dahil ginamit niya ako upang maisakatuparan niya ang plano niya kay Theo.Binalingan ko siya ng tingin sa mga sandaling iyon habang nakaupo siya sa tabi ko. We're at the backseat habang ang nagmamaneho naman ay ang lalaking nagngangalan ding Carlo. Base sa narinig ko ay ito ang lider ng kanilang grupo. May kasama rin silang babae na hindi ko akalain na siya mismong tatraydor sa brother-in-law nitong si Theo."May hayop kayo!" bulalas ko. "Anong kailangan niyo sa 'kin? Saan niyo 'ko dadalhin?"Si Lorie ang sumagot, ang asawa ni Mr. Irigo. "Pwede bang patahimikin mo ang babaeng 'yan, Karlo? Kanina pa 'yan putak ng putak! Kapag naharap ko 'yan, sinisigurado ko na-""Don't be so overdramatic, tita Lorie," putol ni Karlo. "May karapatan siyang magreklamo dahil
Last Updated : 2025-07-16 Read more