Samantha's POV"Anak ng…" Tumayo si Alya mula sa kanyang kinauupuan sabay dampot ng kanyang mga gamit. "Maiwan ko na kayo rito, ha! Naalala ko, may importante pa pala akong kailangang puntahan. Shit! Late na 'ko.""Sige, mag-iingat ka," sambit ko. "Hintayin ko ang message mo mamaya kung anong oras ka pupunta sa office."Tumango siya. "Wag mo munang sabihin kay Theo ang tungkol doon. Malalagot ako kay bossing kung magkataon.""Wag kang mag-alala, hindi niya malalaman," anas ko na agad niyang ikinangiti.Matapos ang usapang iyon ay tuluyan na rin niyang nilisan ang lugar. Hindi kalaunan ay bumalik ako sa pwesto ko habang mataman lamang na naghihintay kay Theo na nagtungo sa cr. Makalipas ang ilang minuto ay tanaw ko na siya mula sa di kalayuan.Marahan akong napailing. Ngayon ko lang napagtanto na ang gwapo niyang tingnan sa simpleng style niya. Kadalasan kasi ay palagi ko siyang nakikitang nakasuot ng polo shirt, pants, at suit. He looks so expensive sa mga damit na iyon pero tipo ko p
Terakhir Diperbarui : 2025-06-21 Baca selengkapnya