Third Person's POV"Kamusta nga pala si Samantha?" maya-maya'y tanong ni Irigo kay Neo. "Maayos na ba ang kalagayan niya? Gising na ba siya?"Nilunok muna ni Neo ang kinakain niya bago sagutin ang tiyuhin."Wala." Iling niya. "Parehong-pareho sila ni tito Theo na hanggang ngayon ay tulog pa rin. Pero maayos naman ang mga vitals niya at walang problema."Tumango si Irigo.Hindi kalaunan ay napangiti itong sumandal sa couch. "I can't believe, Theo and Samantha were a thing," wika nito habang marahang napailing. "Wala akong ideya. Ang galing nilang magtago ng sekreto. Akalain mo, for two months, they hid their relationship from me. Halos palagi akong nasa opisina pero kahit ni minsan ay hindi ko naisip na...there's something between them."Sumabat si tita Lorie, ang asawa nito. "Ang sabihin mo, hindi mo lang talaga alam ang pinagkaiba ng sekreto sa hindi. Taylor did the same thing, and so as Herley.""Oo nga naman, dad," dagdag pa ni Bella."At pinagkaisahan niyo pa talaga 'ko," kunot-n
Last Updated : 2025-06-26 Read more