Theo's POVTulala akong nakaupo sa pwesto ko habang inuulit-ulit ko ang mga impormasyong narinig ko. 'Hindi kita anak, Theo. You're my brother.'Umiling ako at tumayo mula sa couch. Kunot-noo ko siyang pinukulan ng tingin na sa mga sandaling iyon ay tahimik lamang akong pinagmamasdan. "Is this a joke? Or is this one of your games?" ngisi kong tanong sa kanya."Hindi ako nakikipagbiruan, Theo, at mas lalong hindi ako nakikipaglaro," sinsero niyang anas. "Totoo ang sinasabi ko. Kapatid kita, kapatid mo kami ni Bino."Mapakla akong natawa. Pumikit ako sabay pisil sa nose bridge ko. Sa muli kong pagmulat ng mga mata ko ay pinukulan ko siya ng tingin. "At ano? Ikaw lang ang nakakaalam nito?"Tumango siya. "Walang ibang nakakaalam tungkol dito kundi ako lang at ang asawa ko."Bumalik ako sa pagkakaupo sabay laklak ng wine na natira sa baso ko. "Sige," pagsisimula ko, "kung totoo nga 'yang sinasabi mo, bakit pinatagal mo pa ng ilang taon? Bakit noong una pa lang ay hindi mo na sinabi sa
Last Updated : 2025-06-16 Read more