Alya's POVUmangat ang dalawang kilay ni Neo matapos niyang marinig ang mga sumunod na sinabi ko. Lihim akong natawa sa naging reaksiyon niya. Pero hindi ko ipinahalata iyon dahil hanggang sa mga oras na iyon ay nakaharap pa rin sa amin ang ex-girlfriend niya. "Babe!" tawag ko sa kanya sabay hampas sa kanya ng hawak kong menu. "Ano na? Anong gusto mong order-in ko? Buffalo wings? Chicken feet or-""I would like to have buffalo wings. A vegetable salad and a chicken soup." Ngiti niya na ikinatitig ko sa kanya. Napangiti rin ako sa kanya kasunod niyon ay ang pagtiklop ko ng menu. Well, those are delicious, anyway. Paniguradong mapaparami ako ng kain nito. "Wala na ho ba kayong ibang order?" tanong ng waitress. "How about drinks?"Napaisip ako kasunod niyon ay ang tinging ipinukol ko sa waitress."Ano bang mga available drinks niyo? Ayaw ko kasi ng softdrinks at itong boyfriend ko naman ay nagsawa na rin sa ganong inumin. Any recommendation?"Tumango ang waitress at in-on ang hawak
Terakhir Diperbarui : 2025-06-29 Baca selengkapnya