Mas mabigat ang pakiramdam ni Lucil sa araw na iyon kahit pa maayos ang takbo ng lahat sa negosyo niya. Mula nang bumalik siya sa Pilipinas, sunod-sunod ang panalo, contracts, expansion, influence. Lahat ng pinaghirapan niya sa loob ng tatlong taon, ngayon niya inaangkin.Pero sa kabila ng lahat, parang may kulang. At ayaw niyang pangalanan kung ano iyon.“Ma’am, ready na po yung lunch meeting niyo,” paalala ng assistant niya.Tumango lang siya. Isa na naman itong business engagement, isang law firm na gustong makipag-partner sa kanya. Strategic move iyon, lalo na’t patuloy niyang pinapalakas ang kontrol niya sa legal network.“Let’s go,” maikli niyang sagot.Pagdating nila sa restaurant, isang high-end na lugar sa Makati,.agad siyang inihatid sa private dining room. Kalmado ang mukha niya, kontrolado ang bawat galaw.Pero sa pagbukas ng pinto, parang may sumabog sa loob niya.Nandoon si Daphne.Nakaupo, maayos ang postura, tila ba inaasahan siya. Katabi nito ang isang batang lalaki,
Read more