Amoy espresso at cinnamon ang bumabalot sa loob ng isang maliit na coffee shop na pinuntahan nina Lucil. Maligamgam ang ilaw mula sa mga nakasabit na bombilya na parang mga bituin, at sa bawat mesa ay mayroong nakapatong na maliit na plorera na may bulaklak. Maririnig din ang mahinang tugtog ng acoustic guitar mula sa speaker, sapat na para mapuno ang katahimikan ngunit Hindi para guluhin ang iniisip ng mga tao.Sa pinakadulong sulok, dun naisipang maupo ni Lucil at Aime, pareho Silang nakasuot ng cardigan sweater dahil biglang umulan at lumakas ang hangin nang mga oras na iyon. Hawak na ni Lucil ang Isang tasa ng cappuccino, may umuusok pa ngang gatas sa ibabaw. Tahimik lang siya habang nakatanaw sa bintana, pinagmamasdan ang mga dumadaang tao at ang pagpatak ng ulan.Biglang bumukas ang pinto at tumunog ang maliit na kampanilya, hudyat na may dumating na bagong customer. Agad na napalingon dito si Lucil at Hindi niya inaasahan na makikita niya muli si Nolan sa pangalawang pagkakata
Huling Na-update : 2025-09-26 Magbasa pa