Mas mabuti na ang mood ni Edward. Nag dekwatro pa siya ng paa habang umiinom ng kape sa opisina.Sa saktong 5:30 pm, tumayo siya, kumuha ng coat, at nag clock out para mag dinner kasama si Sharon.Sa oras na buksan niya ang kotse, nagring ang kanyang phone, nilabas niya ito, tumingin sa screen, at tumawa ng malamig bago niya ibinaba ang phone at binalik ito sa kanyang bulsa.“Hindi ba’t minumura mo ako nitong hapon? Tumawag ako ng 100 na beses, at hindi mo ako pinansin. Ngayon at may kailangan ka, tinatawagan mo ako?” Ngumisi si Edward, tinapakan ang pedal ng gas at nagmaneho paalis.Nahuhulaan niya na kung bakit tumatawag si Macie. Naisip niya na ito siguro ay tungkol sa pera para sa hospital stay. Tutal, saan pa ba kukuha ng pera si Macie kung hindi pa siya nagtrabaho sa nakalipas na dalawang taon?Habang iniisip ang lahat ng panahon na naranasan niya kay Macie at ang lahat ng kabaitan na hindi pinasalamatan, hinawakan niya ng mas mahigpit ang manibela. Kagabi lang, binasa ni Ma
Read more