MABILIS LAMANG na lumipas ang mga oras. She’s having a good time with his parents, especially his siblings—Blythe and Dasha. May sense itong kausap at nakaka-relate siya sa kung ano man ang kanilang nagiging usapan, ibang-iba sa binatang naging asawa ng kanyang kambal.Lumalalim na ang gabi at umakyat na ang ina ni Callum para magpahinga kasama ang asawa nito, kaya sila na lang ang nandito sa living room.“Alam mo, I love this version of you,” wika ni Blythe. “Hindi ‘yung last time na sobrang timid mo at hindi nakakausap nang maayos.”She smiled. “Thanks.”Of course, they should like her. She’s the social butterfly. Kahit saan siya ilagay, her charisma will attract everyone to talk to her. Hindi naman sa malaki ang ulo niya, ngunit ‘yon ang kanyang napapansin sa sarili.Tinunga niya ang lamang alak sa kanyang baso. After finishing the Black Label, kumuha ulit sila ng bagong alak. And this time, matapang na talaga ito. Hindi niya i-de-deny ang nararamdamang pagkahilo dala ng kalasingan.
Last Updated : 2025-10-06 Read more