Naabutan niya ang ginang sa kusina. Umiinom ng tubig, nang marinig ang yabag niya ay nilingon siya nito. Hapong-hapo ito at naghahabol ng hininga. Hawak ni Cindy ang dibdib sa dalawang palad na banaag ang takot at pangamba. "Iha, mabuti at nakauwi na kayo." Nanginginig ang boses nito. Tila kabadong lumusot ang tingin sa kanyang likuran. "Ano pong nagyari, nay? Bakit ang gulo ng bahay?" Nilapitan na niya ang ginang. Lalo pa't nakikita niya kung paano manginig ang kamay nitong nang humawak sa baso. "Umuwi si sir. Kanina pa. Hinahanap kayo ng mga bata. Nung sabihin kong lumabas kayo, nagalit siya. Tapos nagwala, pinagbabasag ang mga gamit ng bahay.""Ano po?" Nanghina ang tuhod ni Hashana. Kung ganoon kagulo ang salas, malamang galit talaga ang lalaki. "Iha, akyatin mo muna si sir sa taas. Ayaw pang kumalma nung sinabukan kong kausapin. Ikaw ang hinahanap niya.""Nay, naman . . . " pagtutol niya sa nais nito. Bumuhay ang kaba sa kanyang sistema. "Sige na, iha. Subukan mo lang siyan
Last Updated : 2025-07-13 Read more