"Mama, ayos lang po kayo?" Napakurap si Hashana at napabaling kay Jelrex na nasa tabi na pala niya. Nasa school siya ng bata ngayon para sa ika kwarenta'y otso na anibersaryo ng paaralan. May programa ang school buong araw at kasama silang mga magulang roon. Kanina lang may mga palarong ibinigay ang principal at ngayon ang maglulunch na. May dala naman siyang pagkain kahit may libreng pack lunch. "Tapos ka na bang mag-cr? Teka, napano 'to?""Wala po."Akmang iiwas ng bata ang braso pero may pagdududa niyang hinawakan iyon. May mga gasgas ang bandang siko nito. Kanina ay wala pa naman iyon nang magpaalam ito sa kanya na iihi. "Nadapa lang po ako kanina nung pabalik dito, mama. Huwag na po kayong mag-alala."Naningkit ang mata niya at kumuha ng wipes sa bag saka iyon marahang pinunas sa balat nito. May dala naman siyang alcohol kaya iyon ang ibinuhos niya sa maliliit nitong gasgas. Ngumuso pa si Jelrex sa ginawa ng ina. Ayos lang naman talaga siya. "Sa susunod mag-ingat ka. Baka hi
Last Updated : 2025-07-04 Read more