Ipinilig ni Hashana ulo saka ito nilagpasan nang makaabot sa binata. "Sungit naman. Wala bang pa good morning diyan?" Binuntunan siya nito. Napairap si Hashana at naniningkit ang matang nilingon ang huli. Pero ang luko, ngumisi lang. Iniusog pa nito ang mukha sa kanya na mabilis niyang ikinaurong. "Good morning," at malawak na ulit ang ngiti. Umikot ang dalawang bilog sa mata ni Hashana. "Umalis ka nga. May trabaho pa ako."Inismiran niya ang lalaki saka dumiretso sa locker nilang mga nurses. Sinundan pa rin siya nito, may pasipol-sipol pa. Napailing na hinarap niya ulit ang binata upang itaboy. Iksaktong may tumawag ditong kasamahang doktor kaya nilubayan din siya sa wakas. Lapat ang labing tinanaw niya ang lalaki at kinuha ang schedule sa araw na iyon bago nag-log in. Matiwasay na ang kalagayan niya dito dahil wala na si Gerly. Ang sabi sa kanya, nasa ibang bansa na ito nagtatrabaho. Napag-alaman din ng dalaga na ilang buwan pagkatapos niyang magresign sa ospital ay nalaman n
"Nay, aalis na po kami. Tay, nasa cabinet niyo po ang gamot ninyo."Hinayaan ni Hashana na magmano ang mga anak sa dalawang matanda para magpaalam. "Sige, anak. Ingat kayo ng mga bata."Tumango lang siya. Sunod-sunod na nagflying kiss si Cheslyn sa mga ito kaya pareho sila ng mga magulang na natawa. Kinuha din ni Jelrex ang batang kapatid para maunang pumasok sa sasakyan. Napangiti siya nang makitang maayos na ang pagkakapuwesto ng mga anak sa backseat pagkapasok niya. May kung anong kinakalikot si Cheslyn sa school bag ng kuya nito kaya 'di na naman maipinta ang mukha ni Jelrex. Ngunit hinahayaan lang din naman nito ang bunso. Ipinilig ni Hashana ang ulo bago binuhay ang makina ng sasakyan. Una niyang idadaan si Jelrex sa school nito bago si Cheslyn. Cheslyn is already four years old. Unang araw ng pasukan ngayon at ipapasok niya ang bata sa isang private school bilang preschooler. Half day lang ang klase nito kaya kailangan niyang kausapin ang adviser ng bata tungkol doon. Ihah
Life can sometimes be a roller coaster. Minsan may mga taong dadating, minsan naman may aalis upang magsilbing aral lamang. Some people might be the happiest, yet others maybe in the darkest. And if moving forward is a key to keep life moving, then Hashana would gladly do that. "Ma, pakitingnan naman po si Cheslyn sa kwarto. Baka gising na po."Binaliktad muna nito ang pinipritong ham saka nilingon ang inang nag-aayos ng mga plato sa hapag. Nakalatag na din doon ang ibang ulam na niluto niya kanina. Nakita ni Hashana na tumango ito at iniwan saglit ang ginagawa. Sakto namang sumulpot si Jelrex na bagong ligo. Hindi pa nito suot ang uniporme nito at nakapambahay pa lamang. "Good morning, ma." Nilapitan ng bata ang ina at humalik sa pisngi nito. "Good morning din, nak. Maupo ka na diyan. Ihahain ko lang 'to."Tinapos niya ang ginagawa. Tinawag na rin niya ang amang nanunuod ng balita sa salas na nakasanayan na nito tuwing umaga. Nang makita sa bungad ng kusina ang ginang na akay-ak
"Umuwi ka na, iho. Naaabala mo ang mga taong natutulog."Ang matikas na tinig ng ama ng dalaga ang sumakop sa tainga ni Clifton. Hindi man ang dalaga ngunit nanatili pa din ang positibong disposisyon ni Clifton na makausap ang babae. "Sir, baka po puwedeng makausap ko ang anak niyo.""Ayaw ka niyang makita. Mabuti pa'y umalis ka na bago pa kita ireport sa mga pulis.""Sir, kahit sandali lang po. Kakausapin ko lang ang anak ninyo."Halos lumuhod na si Clifton sa harap ng matanda. Basag ang boses nito. Nangangawit man ang paa kakatayo pero ayos lang. Makausap lang ang babae at makapagpaliwanag siya. "Umalis ka na. Wala kang mapapala dito.""Kakausapin ko lang po ang anak ninyo. Parang awa mo na, sir. Kahit sandali lang po. Mapapaliwanag lang ako sa kanya. Aayusin ko po ang di pagkakaintindihan–""Tama na, iho." Matigas at mariing sansala ng matanda. "Pinayagan kitang dalhin mo ang anak ko at mga bata sa bahay mo. Hinayaan kitang makipaglapit sa mga apo ko kahit labang sa loob ng anak
Kahit tatlong araw pa lang, pinili na ni Clifton na umuwi sa Santa Rosa upang ayusin ang di pagkakaintindihan nila ni Hashana. Subalit ang pag-asang makausap ang babae ay biglang naglaho nang kahit anino nito at ng mga bata ay hindi niya mahagilap. Sukdulan ang kabang umigkas sa dibdib ng ginoo. "Nay Cindy!" Tulirong tinawag ni Clifton si Cindy na hindi din magkandaugagang sumulpot galing sa garden area. "Sir,""Nay Cindy naman, bakit niyo hinayaang makaalis ang mag-iina ko?""Sorry po, sir. Nagpumilit po talaga si Hashana. Hindi ko po napigilan."Bigong napaupo si Clifton sa couch at marahas na ginulo ang buhok. Na huli ba siya? Tangina! Sobrang tagal ba ng tatlong araw na hindi siya nito kayang hintayin? Pina-cremate niya nga lang ang katawan ng ama para lang mapadali ang pag-uwi. Kahit ang pagproseso sa mga dokumentong kakailanganin ay minadali niya. Binayaran pa niya ang cremation facility para mas mapabilis ang schedule at proseso na dapat sana aabot ng isang linggo. Mariin
"Sir," Nagdadalawang isip pang lumapit si nanay Cindy. Sa huli ay dinaluhan nito ang amo at pinahatid ang balitang dumating na si Elmo. "I need to talk to her. Nay Cindy, kausapin mo naman siya. Baka iwan ako ng mag-iina ko.""Sir . . . " Awang-awa ang ginang kay Clifton. Dama niya ang sensiridad nito at ang kinikimkim nitong takot. Marahang tinapik na lang ng matanda ang balikat ni Clifton at tumango dito. Inalalayan niyang ipaupo ito sa sofa. Sakto lang na nakaupo si Clifton ay tumunog ang telepono ng lalaki. Ang ginang na ang kumuha noon para sagutin sapagkat wala atang balak si Clifton na sagutin ang tawag. Nakayuko ito habang tukod ang dalawang palad sa magkabilang ulo na wari bigong-bigo. "Sir, tumatawag po si sir Sandro."Doon lang naangat ni Clifton ang ulo bago kihuna ang aparato sa ginang. "Damn, bro! Where are you now?"Nagkasalubong agad ang kilay ni Clifton nang maulinigan ang balisang tinig ng tao sa kabilang linya. "I'm still in the house. How's dad?"But the oth