"Maldita talaga ang Mildred na yan.." bulong ni Susana kay Helen. "Kahit kailan, hindi na ibinagay sa event ang kanyang outfit.. Feeling ko, ang nais niya palagi ay maging center of attraction.""Baka center of distraction. Mayaman siya, kaya kailangan natin siyang pakisamahan.." ganting bulong ni Helen, "Wag kang mag-alala.. sisiguraduhin nating mauubos niya ang salapi niya dito..""Ang talas kasi ng dila, nakakinis!" gigil subalit puno ng composure na wika ni Susana. "Parang palaging bagong hasa..""Sinabi mo pa.. alam mo naman yan, yumaman lang dahil kay Andong.. sa kasamaang palad, itinuring na lucky charm ng pamilya, lumaki tuloy ang ulo.""True.. hindi kagaya natin na likas ng mayayaman kaya pino kumilos. Ewan ko ba, talagang money can't buy class..""Class picture lang," nagakatawanan silang dalawa dahil sa sinabi ni Helen.Habang nag-uusap sila, lumingon si Susana sa auction stage. Nakita niya si Mildred na abala sa pagbibigay ng mga bid, tila walang pakialam sa ibang tao. Sa
Last Updated : 2026-01-06 Read more