Napakagat ng labi si Becky. Kung hindi lang siya nagmamadali, baka kanina pa niya hinampas ng tray si Simon para manahimik. Pero hindi niya puwedeng sayangin ang oras. Kailangan niyang makita si Drake, kailangan niyang malaman kung saan ito pupunta.“Simon, please lang, wala akong panahon sa mga hirit mo ngayon,” mariin niyang sabi, sabay hablot sa bag at tumayo mula sa mesa.Pero mabilis itong tumayo rin, dala ang sarili niyang pagkain, at walang kaabog-abog na sumunod sa kanya. “Uy, teka lang, akala ko bonding time natin ’to? Kakain pa lang ako, aalis ka na agad?”Napairap si Becky. “Simon, hindi ito date.”“Hindi nga?” kunwari’y nagulat si Simon, saka sumeryosong sandali. “Akala ko kasi, umaga, magkatabi tayong kumakain, parehong naka-jacket na couple style pa… parang k-drama lang, diba?”“Huwag mong gawing biro ang lahat, Simon!” bulyaw ni Becky, halatang nawawala na sa pasensya.Pero imbes na masaktan, lalo pang lumawak ang ngisi ng binata. “Wow, ang taas ng energy levels mo. Ala
Huling Na-update : 2025-10-03 Magbasa pa